Chapter 23 - Training

134 14 1
                                    

CASSANDRA HEART’S POV:

Nakalabas na ko ng infirmary, kaya agad akong naghanda para sa training namin ni Krystal. Sa wakas. Makakapag training nadin ako with her. Sana lang talaga di nya ko pahirapan.

“Good thing you’re here.” Sabay bato sakin ng isang sword. Buti nasalo ko agad kundi masakit ang pagkakatama nun sakin kahit may cover.

“Yan ang gagamitin mo sa training mula ngayon.” Cold pa din ang mga tingin sakin ni Krystal.

Tinuruan nya muna ko magmeditate. Kung papano irelax ang katawan bago makipaglaban.

“Ipikit mo muna ang mata mo. Inhale.. Exhale.. Pakiramdaman mo ang paligid. Now open your eyes.” Pag dilat ko, nakaArmor sya na panglaban.

“ngayon ituturo ko naman sayo kung papano magsummon ng sarili mong armor gamit ang sarili mong majika.” Oo nga pala, forte nya ang summoning ng Armor and swords.

Sinunod ko ang mga pinapagawa nya. Para maisip nya na willing tlaga akong matuto from her.

“Mag-isip ka ng armor na fit sa personality mo at sa majika mo. Since Fire ang element mo, dapat may halong apoy ang armor mo.” Natutuwa naman ako na ganito sya makipag usap sakin.

“Ano ba Cassandra? Nakikinig ka ba?” sigaw sakin ni Krystal. Nakikinig naman ako. Nag space-out lang saglit .. Ano ba to.

“Sorry, eto na. Mag-iisip na.” At nag-isip nga ako ng magandang armor na fit sa personality ko at sa Majika ko.”

Unang pumasok sa utak ko yung amor ng isang female heroine sa DOTA. Nakita ki kasing naglalaro neto sila Levi at Kyle. I wonder kung kamusta na sila. Naaalala pa kaya nila ako? Kami ni Althea? Hay..

Maya maya umiinit ang paligid. Pati ang pakiramdam ko. Tuloy pa din ako sa pag-concentrate hanggang sa pagdilat ko. **poof** yung naisip kong Armor suot ko na.

“Madali ka lang palang turuan. That’s all for today. Sasabihan nlang kita kung kelan ang susunod na training.” At natuwa naman ako sa sinabi ni Krystal.

“Krystal, thank you –“ di pa ko tapos magsalita ng putulin nya ang sasabihin ko.

“Wag mong isipin na magkaibigan na tayo kaya ganito ako makitungo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.” And she left me dumbfounded. Daig nya pa si Althea sa sobrang Cold. And speaking of Althea, patakbo syang lumapit sakin.

“Wow bes! You look hot in your armor. Astig! Tara kaen muna tayo ng Meryenda.” Sabi ni Althea kaya nag ayos muna ko ng gamit at unti unting bumalik ang damit ko sa dati kong suot. Ganun lang pala yun. In fairness hindi ako slow learner.

Paglabas namin ng Training room nakasalubong ko ang kambal na parang sobrang busy. May mga dala silang papers papuntang office ni Madam Victoria.

“Luna! Sunshine!” tawag ni Althea sa dalawa kaya napalingon to saamin. Agad naman winagayway ni Althea ang kamay nya. Nang makita nila kami, agad kaming lumapit sa kanila.

“Ang busy nyo atang dalawa?” tanong ko.

“ahh.. Eto ba? Report to sa dalawang Elementum Campus, since wala si Klein at Prime, kami ang gumagawa nito.” Sabi ni Sunshine.

“Kung may magagawa lang sana ako.” Sabi ko pero tinap lang ni Luna ang Ulo ko.

“Ano ka ba Princess, kaya na namin to. Besides, kailangan mong asikasuhin ang training mo with Krystal. Kamusta pala First day?” natuwa naman ako sa sinabi ni Luna. Kaya ngumiti ako at sinabi ko ang mga nangyari.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon