Chapter 22 - Patiently waiting

108 16 7
                                    

VAUGHN KRISTOFF’S POV:


Nandito na kami nila Klein, JM at Prime sa Olympus Heights Academy, kasama ko sa Dorm si Klein. Ngayon ang simula ng klase dito, sana makita na namin agad ang prinsipe.

“Kris, may sinabi bang palatandaan si Queen sa mahal na prinsipe? Yung madali nating makikilala.” Tanong ni Klein

“Yung compass, iilaw once na makasama natin ang prinsipe.” Sagot ko skanya.

“Wow, sa dami ng studyante dito? Baka magtagal tayo nyan dito di pa din umilaw yang compass?” Napaka impatient talaga neto.

Di ko nalang sya pinansin at tinapos ang pag-aayos.


Pagbaba ko sa Dorm parang may kakaiba dito sa School na to. Talaga bang mga tao ang nag-aaral dito? Bakit parang hindi.


“hi! You’re new here, Right?” may isang babae na short blonde ang kulay ng buhok.

“Sa tingin mo?” Pagbalik ko ng tanong sa kanya sabay alis. Wala akong panahon makipag kaibigan sa mga tao dito. Pero biglang tumigil ang pag kilos ko, pati ang mga tao sa paligid.

“masyado ka namang masungit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“masyado ka namang masungit. I’m Clarisse Park, and you?” sabay balik ng pagkilos ng mga tao pati yung akin. Time control?

“Vaughn Kristoff Travinson. Happy? And by the way, papano mo napatigil ang pag kilos namin? Di ka ordinaryong tao?” tanong ko sa kanya pero tumawa lang sya.

“Wow? Seriously? Di mo alam tong pinasukan mong academy? Well then, it’s for you to find out. Bye Vaughn!” hinawakan nya ang pisngi ko ng marahan sabay alis. What’s with this place?


“uy Kris! Kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala.” Sabi ni Prime kasama ang dalawa.

“This school isn’t normal.” Sabi ko sa kanila. Napakunot noo naman sila sa sinabi ko.

“teka Kris,  ano ibig mong sabihin?” Tanong ni Klein. May binunot namang papers si JM mula sa bag nya.

“Olympus Heights Academy, School of Demigods.” Basa ni JM sa papers na pinirmahan namin, or should I say Enrollment form. Bakit di ko to nabasa?

“So we’re in the school of Demigods. Wow, mga anak ng Gods and Godesses.” Sabi ni Prime na halata mong excited.

“Papanong andito ang mahal na Prinsipe? Inampon ba sya ng isa sa mga Gods or Godesses?” Tanong ni Klein.

“ANNOUNCEMENT!! To all students of Olympus Heights Academy, please proceed to the function hall. Thank you!” mula sa Speaker ng campus.

“We should get there. Mukhang may importanteng ganap sa function hall kaya tayo pinapapunta.” Sabi ko sa kanila kaya naglakad na kami papuntang Function Hall. Actually di ko alam papunta pero sinusundan nalang namin ang mga studyante dito.

Naupo kami sa bandang 3rd row. Ayaw naman namin masyado sa harap since hindi pa kami pamilyar sa Academy na to.


“Hello Demigods and Demigoddesses, kilala nyo na kong lahat, pero magpapakilala parin ako para sa mga bagong studyante dito. I’m Professor Snape Ashton.” Panimula niya.

“there’s an important announcement from the Gods and Goddesses from the Galaxia. Bibisita sila dito sa susunod na Linggo, kaya gusto ko sana lahat kayo maghanda ng magandang kasuotan at ng magandang handog  para sakanila. Magkakaroon din ng konting salo-salo para sa lahat ng studyante dito. Yun lamang at maaari na kayong bumalik sa inyong mga klase.” So makikita na namin ang mga Gods and Goddesses mula sa Galaxia.

“Bro, alam kaya nila na andito tayo kaya sila pupunta dito?” tanong ni JM

“Yun din ang nasa isip ko, I wonder kung pupunta rin ang nagpalaki sakin.” Sabi ni Klein. Teka? Si Mercury ba ang sinasabi nya?

“Klein, si Mercury ba ang sinasabi mo?” tanong ni Prime kay Klein.

“Oo, kaya nga ako naging mabilis di ba? Sya nagbasbas sakin nito. Kaya nagulat ako na eto pala ang Academy na tinayo ng mga Gods and Goddesses sa mundo ng mga tao.” Dama namin ang lungkot sa kanya. Namiss nya rin siguro si Mercury dahil dun.

“Teka bro, dala mo ba yung compass?” paalala sakin ni JM. F*CK! Nasa bulsa ko lang yun. Nasaan na yun.

“Kris, di ko gusto yang reaksyon mo. Asan na ang compass?” sabi ni Prime.

“Base sa reaksyon nya, mukhang nawawala ang Compass. Wow Kris, gusto mo ba talagang di makabalik agad sa Galaxia? Naiinip na ko dito!” Sabi ni Klein. I feel guilty kaya umalis ako sa harap nila para hanapin yung compass.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon