Chapter 38 - Gate of Memoria

30 4 0
                                    

KRYSTAL KEITH'S POV:

Pagkapasok ko sa pintong napili ko, para bang napaka dilim. tanging liwanag mula sa pinanggalinggan ko ang nagsisilbing ilaw sa dinadaanan ko pero unti unti itong nawala nang magsara ang pinto. napapikit na lamang ako at nagconcentrate. masyadong mapaglaro ang tadhana saming mga guardians. pag dilat ko para bang napakaraming orasan sa paligid. umamba ako na para bang handa sa mangyayari, mahirap na, baka biglang umatake ang kalaban.

napakunot ako ng noo nang mapansing nasa isang pamilyar akong lugar. Eto yung lugar kung saan ako lumaki bago ako mapadpad sa Celestial Kingdom. lumabas ang isang lalaki na may kasuotang pandigma, kasabay nun ang babaeng kinamuhian ko noon dahil iniwan nila ako. sila ang mga magulang ko. pero bakit ko nakikita ito? paglabas nila may isang batang nagmamakaawa para wag na syang iwan, at wala ng iba kung hindi ako. hindi ko alam kung nakikita nila ako, kaso nilampasan lang nila ako. sinundan ko sila, pero nilingon ko parin ang batang ako na nagwawala kasama ng isang babae na sa pagkakatanda ko ay kaibigan ni Mama.

naglalakad sila sa kakahuyan nang marinig ko silang mag-usap.

"Precilla, mauna ka na sa Celestial Kingdom. At ako'y didirecho na sa kitaan namin ng mga Celestial Guardians." ang sabi ng aking ama na mukhang may importanteng pupuntahan.

nagulat na lamang ako nang mag-iba ang setting ng lugar. nasa Celestial kingdom ako ngayon. at andito si Queen Cornelia pati ang asawa nito na si King Cassimir. Hawak hawak nila ang dalawang bata na halos magkamukha. marahil sila ang kambal na sina Cassandra at Chace.

"Lady Precilla, ikaw na ang bahala sa aking Prinsesa at Prinsipe. siguraduhin nyong hindi sila magkasama. ayokong masali sila sa nalalapit na digmaan." sabi ni Queen sa kanila. Sanggol pa lamang ang Kambal nang alagaan sila ni ina sa palasyo. pero di nila sinabi samin na kambal ang anak nila para maproteksyunan ang tagapagmana nila. marahil iyon ay si Chace.

"Kamahalan, saan ko po sila dadalhin? di po ba sila ang mga tagapagmana nyo? lalo na si Cassandra? sya ang magiging susi katapusan ng digmaan." sabi ni Mama. nagtinginan ang King at Queen kaya si King Cassimir na ang nagsalita.

"Precilla, tiwala kami na mapapangalagaan mo ang kambal. sa mundo ng mga tao mo sila dalhin. pero dapat hiwalay sila para di sila mahagilap ng mga kalaban." Teka kaya ba iniwan ako ni Mama?

"Pero may anak din kami ni Krystopher, wala nang mag-aalaga sa kanya." Naiiyak na sabi ng aking ina. kaya ba lumaki akong walang magulang? bakit ganun? tanggap ko naman na noon pa, napatawad ko narin naman sila pero ba't parang ang sakit parin malaman ang katotohanan.

"mas kailangan mong pangalagaan ang mga anak namin. dahil yan ang sinumpaan mo saamin, ang magiging tagapangalaga ng mga tagapagmana hanggang sa paglaki nito." Matigas na sabi ni King Cassimir.

walang nagawa ang aking ina at dinala ang mga bata sa mundo ng mga tao. dinala ni ina ang sanggol sa isang malaking eskwelahan. pero ginintuan ito, binasa ko ang nakasulat "օӀվʍԹմՏ ɑçɑժҽʍվ" pamilyar ang lugar na ito?

umalis ang aking ina at tumungo sa lugar na pwede sila manirahan. tumagal ang anim na buwan dumating ang aking ama, pero para itong nagpapaalam kay mama.

"paparating na ang digmaan. kailangan na naming kumilos. matapos lang ito, pupwede narin tayong mamuhay ng payapa nila Krystal, maibabalik narin natin sa Hari at Reyna ang kanilang mga tagapagmana." naiiyak ako sa mg sinasabi ng aking Ama. hindi ko na kasi ito nasilayan pagkatapos ng araw na iniwan nila ako.

nag-iba ang setting ng lugar at nasa isang digmaan na ang mga dating Celestial Guardians. nalaman ko ito dahil sa mga Kwintas na dala nila. nakita ko ang aking ama na kulay indigo na ang mga mata at ang kwintas nito na umiilaw. hinawakan ko ang kwintas ko, bakit ang lakas ng kabog ng dibdin ko? para akong audience na nanonood ng palabas at ito na ang climax ng kwento.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon