CASSANDRA HEART’S POV:
Andito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Krystal. Yes maglalakas loob na ko. Gusto ko kasi talagang malaman kung ano ba talaga problema sakin ni Krystal. Gusto ko din sya maging kaibigan. Meron lang talagang kailangan kong malaman para maayos din namin to.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto nya tumagal ng 2minutes bago nya ko pagbuksan. Mukhang naistorbo ko sya sa pagtulog. Magulo kasi ang buhok nya. Masama rin itong nkatingin sakin kaya nginisian ko nlang sya sabay peace sign.
“WHAT DO YOU WANT THIS TIME? DON’T YOU KNOW THE WORD SLEEPING? Jeezz you’re really annoying.” Isasara na sana ni Krystal ang punto pero pinigilan ko iyon.
“Ano kasi Krystal, I really need to talk to you.” Sabi ko pero kumunot noo naman sya sakin.
“Hindi ba makakapag-intay yan ng bukas? Pwede? Inaantok na ko.” And she slammed me the door. Mukhang di nga maganda na ngayon ko sya kausapin. Sige bukas nlang.
****
Naglalakad ako sa Campus para hanapin si Krystal, siguro naman pwede ko na syang kausapin ngayon. I guess nasa Earth Elementum Campus sya ngayon since sya ang pumalit kay JM as President.
Pagdating ko sa Earth Elementum Campus, nakita ko syang sinasanay ang mga baguhang studyante ng Celestial Academy under Earth Element, pero lalapit pa din ako. Wala namang mawawala kung susubukan ko syang kausapin di ba?
“Hi Krystal, Can we talk now? I mean now.” Tumigil sya sa ginagawa nya at tinignan ako ng masama.
“Seriously PRINCESS Cassandra? At this time? Can’t you see I have some business here .” Sabay irap at pinagpatuloy nya ang sparing sa isang estudyante. Nakita ko namang nagbulungan ang ibang student sa Earth Elemental Campus na nagbubulungan. Pero di ko na lang pinansin kaya umalis na ko. Mamaya ko nalang sya kakausapin pagtapos nya sa Pagttrain.
Bigla ko nanaman nakabungguan yung lalaki na medyo mayabang na nakabungguan ko din last time. Tinignan ko sya ng masama tsaka nagsalita.
“mahilig ka ba talaga mang bunggo?” tinitigan nya lang ako, ngumiti at saka umalis na para bang walang narinig. Aba? Loko to ah?
Nagulat din ako sa ginawa ko pero mabilis akong napunta sa harap niya in just a snap.
“Kinakausap kita. Di ka lang din pala mayabang, bastos ka din pala. Di ka ba marunong magsorry?” Sabi ko. Pero nag ‘whoah’ lang sya.
“wait nga Miss, at the first place hindi kita kilala, kaya kung nabunggo man kita, katangahan mo na yon. Pangalawa, sino ka ba para magsorry ako? Dyan ka na nga. Papansin.” Nilampasan nya ako kaya nabwisit ako.
Sa di ko inaakala, napaliyab ko yung dadaanan nya. Lumingon to sakin sa gulat.
“You don’t know me? Let me introduce myself. I am Cassandra Heart Stadtfelt, Holding Leo’s Ruby Stone.”
VAUGHN KTISTOFF’S POV:
Nasaan ba ko ngayon? Bakit ako lang mag-isa? Asan sila Klein, JM at Prime? Nakakainis naman, ngayon lang to nangyari samin na mahiwalay sa pag punta ng mundo ng mga tao.
Nakita ko namang nakatingin ang mga tao saakin. Marahil dahil sa damit ko. Nakahood at armored blue kasi ako. Aakalain mong pupunta ako sa costume party. Wala akong pake, kailangan ko makita sila Klein para masimulan na namin ang misyon.
Naglakad ako sa overpass at bumaba ng hagdan. Di ako pwede gumamit ng majika dito kaya mano mano ang lahat ng gagawin ko.
May binigay saking isang maliit na bag, puro pera ng mundo ng mga tao, ito daw ang gamitin namin para may pangbili kami ng makakain, damit at matitirahan. Nakahawak na ko ng ganito dati nung binantayan ko si Cassandra dito sa mundo ng mga tao kaya di na bago sakin ang mga ito.

BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Ciencia FicciónACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.