Chapter 35 - Brothers

50 7 0
                                    


JASPER KLEIN'S POV:

Naglalakbay kami papunta sa mundo ng Black Eye. di alintana samin ang pagod dahil kailangan namin tapusin ang gulo na na nasimulan. Lalo pa ngayon, ang isa sa mga Guardian ay bihag ng mga Black Wizards. Katabi ko si Snow na kanina pa nag-iisip. para bang napaka lalim ng problema nya.

"Snow, may problema ka ba? kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo? iniisip mo nanaman ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya kaya nilingon nya ako ng may kunot ang noo. ang cute talaga nya.

"Alam mo Klein, napaka hangin mo talaga. napapaisip lang ako sa sinabi sakin ng Celestial Spirit ko. para bang may babala syang sinabi." seryoso nyang sabi.. pero katulad ng Celestial spirit nya, may sinabi rin sakin si Cancer.

"Ano ba sabi nya sayo? na gwapo ako? wag mo ng masyadong pinag-iiisip yan. sa ngayon. itong misyon muna natin ang tapusin namin." natatawa kong sabi. ayoko rin kasi syang masyadong nag-iisip.

"Ewan ko sayo Klein. napakahangin mo talaga." after sabihin ni Snow ang salitang Hangin, biglang umihip ng malakas na hangin. may binulong ito saakin na para bang isang warning. tumigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ko ito. nagulat naman ang lahat dahil sa pagtigil ko maglakad. tama nga ang naramdaman ko. may pasugod na kalaban samin.

"Guardians, maghanda kayo, may kalaban." saktong pagsabi ko nun ay naglabasan ang mga naka itim na Cloak. Black wizards ito, di ako pwedeng magkamali. lahat ng lumalapit saking Black Wizard ay agad kong binabawian ng hangin sa katawan para agad mamatay. ang iba namang papalapit palang ay hinahawi ko na ng malakas na ipo-ipo mula sa kamay ko. ang dami nila, mukhang alam nila na susugod na kami sa kanila kaya naghanda sila ng ganito karaming hukbo. hindi pwede gumamit si Princess Cassandra ng majika dahil nasa kagubatan kami ngayon, tanging weapon nya lang ang gamit nya. si JM naman ay pabor na pabor sa kanya ang lugar kung asan kami, dahil teritoryo ito ng kanyang majika.

maya maya lamang bigla akong nanghina. para bang nawawalan ako ng hangin sa katawan. pero pinipilit ko yun ibalik saakin dahil ako ang Guardian ng Hangin. nang makabalik sakin ang lakas ko, napansin ko namang hindi makahinga ang mga kasama kong Guardian, pero si Stephen nagawa nyang kontrahin ang gumagawa nito samin. teka nga, di ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko ang ganitong galawan. sakanya ko ito natutunan nung mga panahong nasa Celestial Academy pa sila.

"Wag kang duwag! lumabas ka."  sigaw ko dito. alam kong sya ito.

"Klein, alam mo kung sino may gawa nito?" Inis na sabi ni Stephen dahil kinokontra nya ang pagkaubos ng hangin ng ibang Guardians. gumawa ako ng Air sphear para doon lamang sila sa loob. sisiguraduhin kong may sapat paring hangin sila. Di ako papayag na matatapos lang ang paghihirap namin ng ganito nalang.

"Long time no see, Jasper." nakangiting sabi sakin ng lalaking nasa harap ko.

"Stephen, ikaw muna ang bahala sa iba, ako na ang bahala dito." agad namang sumangayon si Stephen kahit alam kong gusto nya kong tulungan.

"Spencer." bulalas ko sa pangalan nya. nakaigting na ang panga ko sa sobrang pagka-inis. isang taksil.

"Oh? is this how you treat your Brother? sabagay, ano nga naman ang alam mo eh si Mercury ang nag-alaga sayo." sandali akong natigilan sa sinabi nya. anong sinasabi nitong si Spencer?

"Hoy, ungas, wag mo kong tawaging Brother dahil wala akong kapatid at wala akong panahon para makipagtalo sayo. bawiin mo ang majika na binitiwan mo sa mga kasama ko." gigil kong sabi na ikinatawa nya lang.

"Ano akala mo sakin? hangin lang din ang alam ng utak kaya di nag-iisip? Let's make a deal. pagnanalo ka sakin, babawiin ko ang binitiwan kong majika at makakalampas kayo sakin." nakangiti paring sabi nito. pero alam kong seryoso sya sa mga binibitiwan nyang salita.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon