Krystal Keith’s POV:
Kahapon, after ng meeting, di ko ineexpect na may ganito palang klase ng kababalaghan na nagaganap sa Academy namin. Kaya ngayon, andito kami ni Lalisa para mag-imbestiga ng palihim sa cafeteria. Malaman ko lang kung sino sumasabutahe sa prinsesa namin, ako mismo ang papatay sa kanya.
“Krys, pano ba tayo magsisimula dito?” tanong ni Lalisa.
“Seriously Lalisa? Di mo alam? Ikaw ang utak namin dito tapos di mo alam?” inis kong sagot sakanya. Kasi naman, sya ang brain namin dba?
“Tss. Fine, we should go there.” Sabay turo dun sa bandang gitna, may tables and chairs dun.
“So ano ang gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya once na makaupo kami.
“Pwede bang kumain muna? I can’t think of any, I’m hungry.” Sabi ni Lalisa.
“Fine, I’ll go order.” Then tumayo na ko at pumunta sa counter. Namili muna ko ng pwedeng kainin namin ni Lalisa, kabisado ko naman mga gusto nyan.
“Isa nga pong cheesecake, blueberry muffin at dalawang order ng carbonara and dark mocha frappe.” At inabot ko na ang bayad sa cashier. Nagpunta ako sa kuhaan ng orders ng mabunggo ko si Sebastiene. Tinignan nya lang ako at umalis agad. Ang weird.
Pagkuha ko ng orders namin, agad akong pumunta sa pwesto namin ni Lalisa pero wala sya dun. Nilingon lingon ko ang buong area pero di ko sya agad makita nang maispottan ko sya sa may malapit sa pinto, kausap si Sebastiene. I sigh of relief, kasi naman akala ko kung saan sya nagpunta.
Maya maya pa, bumalik na sya at umupo. Tinignan lang ang pagkaing inorder ko sakanya at tumingin sakin.
“Ayoko nyan. Wala na bang ibang pagkain?” tinignan ko syang maigi tsaka nagsalita.
“Lalisa? May problema ka ba? Or may sakit ka ba? Tara punta tayo kay Sunshine..” akmang hahawakan ko ang pulsuhan nya ng tabigin nya to.
“I don’t need her. I just want to be alone. Excuse me.” And I left dumbfounded. Anong nangyayari kay Lalisa? She’s not like that.
Pinabalot ko nalang yung sobrang pagkaen na binili ko, sayang naman kasi. Nakakapagtaka, favorite nya yung cheese cake, carbonara at dark mocha frappe and yet ayaw nya nun? Nagbago na ba panlasa nya? Tss.
Pumunta ako sa Fire Elementum Campus para puntahan si Cassandra, gusto ko din naman kasi masigurado ang kaligtasan niya. Kahit pa may masama kaming nakaraan, tanggap ko na naging selfish lang ako kaya bumabawi ako sa kanya.
Pagpasok ko sa loob I was shock. Ang gulo gulo dito at para bang may nanggulo. I put the food down the chair and start looking for Cassandra, and the f*ck she’s not here. I start calling all the Guardians to know about this and the first one who answer is Luna.
“Krystal, napatawag ka? Is there something happen?” Luna ask.
“Please look for Cassandra! Wala sya dito sa Fire Elementum Campus and ang gulo ng buong room.” I said.
“What? I’ll be there in 5minutes.” Boses ni Vaughn.
“Sige Krystal, hahanapin ko si Cassandra.” Luna said.
“Anong nangyayari?” sabi naman ni Stephen.
“Teka? Pwede bang magkita-kita nlang tayo sa Fire Elementum Campus. This is really urgent!” Sigaw ko sakanila. Magtatanong pa sana ang ibang guardians pero pinatay ko na ang group call. Paulit ulit ehh.
Maya-maya dumating na si Vaughn at sunod sunod na nagdatingan ang iba. And as I look at them lahat sila gulat sa gulo ng kwarto.
“Sinong may gawa nito?” tanong ni Sunshine.

BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Bilim KurguACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.