CASSANDRA'S POV:
Grabe pala yung history ng GALAXIA, at ng mga Kingdoms. May dalawa pang kingdom ang di namin nababasa dahil nagWalk-out si Krystal. Napapansin ko, parang may dinaramdam si Krystal. Gusto ko man sya aluin, kaso di naman kami close. Dibale pag makatyempo ako, kakausapin ko sya.
Napagdesisyunan ng grupo na kumain muna. Hiniram din ni Lalisa ang libro dahil sila lang ni Luna ang pwedeng humiram nito, since sila din naman ang nagdala nun dito.
Pagdating namin ng cafeteria andaming tao ang pinagtitinginan kami, particularly sakin. Ano nanaman ang problema ng mga to?
Kaming mga babae nauna ng umupo at yung mga lalaki ang umorder. Nang maka-upo kami, may isang grupo ng mga babae ang lumapit samin. Lima din sila.
"Hi Sunshine, Krystal and Lalisa.. namiss namin kayo. Oh! Sino naman tong dalawang to?" sabi nung isang babae na kulay Violet ang buhok.
"at the first place hindi tayo Close para mamiss natin ang isa't-isa. Pangalawa, hindi basta-basta ang taong dinuduro mo. Baka gusto mong magyelo or masunog? Sabihin mo lang." mataray na sabi ni Sunshine na agad namang ikina-inis nung babae.
"Wow, naThreatend naman ako. Bakit Sunshine? Sino ba yang mga yan? Lalo na to? Mukha namang hindi sya guardian, lakas ng loob sumama sainyo." Sabay turo sakin nung babae na violet ang buhok. Kaya napakunot ako ng noo.
"Isa sya sa mga Guardians at sya lang naman ang Prinsesa ng Celestial Kingdom at ng buong Galaxia kaya pwede Margoux, umalis na kayo ng mga alipores mo, bago pa ko mabwisit sainyo." Biglang pagsulpot ni Vaughn at ng iba pang boys.
"So ikaw pala ang Prinsesa dito. Well, I don't care. Mukha namang wala pa syang kayang gawin. Look at her hair and eyes, wala pang kakulay kulay. Mas mukha pa nga akong Guardian sa kanya ehh. Anyway, nice to meet you. Btw, I'm Margoux Alstreim. Bye Guardians, and to you Celestial Princess." Pag-alis ni Margoux kasama ng mga Alipores nya, biglang natapon yung pagkaen na hawak ni Vaughn sa akin ba ikinagulat ng lahat ng Guardians.
"Shit Cass!! Ang epal talaga kahit kelan ni Margoux! Malapit ko ng patulan yun!!" inis na sabi ni Sunshine. Nakita ko naman si Althea na kanina pa inis na inis pero di kumikibo. Bigla syang tumayo at tumakbo palabas ng Cafeteria at hinabol si... MARGOUX?! WTH!
Nagulat na lang ako sa ginawa ni Althea.
"HAYOP KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG TAPUNAN SI CASSANDRA!" Sabay suntok sa mukha ni Margoux.
"Althea!" Sigaw namin ng mahabol sya at pigilan sa ginawa nya. Kaso huli na.
Ngumiti si Margoux ng mapait at nagulat nalang ako ng biglang may mga batong lumulutang at papunta yun kay Althea. Pero bago pa dumating sa direksyon ni Althea, nagyelo ba ito agad at nagCrack. Wow! Ang galing na nya. Nakita ko ring umilaw na yung kwintas nya pati ang mga mata nya.
Nagtuloy tuloy pa ang mga suntukan at paggamit ng majika kaya naalarma na ko.
"Hindi ba natin sila pipigilan?" tanong ko sa mga Co-guardians ko.
"Cass, madadamay lang tayo kapag nakialam tayo. Bawal gumamit ng kahit anong majika dito sa loob ng Campus lalo na sa pakikipag-away. Maliban nalang kung training day." Paliwanag ni Sunshine
"pero pwede natin silang pigilan diba?" tanong ko.
"Ako na bahala." Sabat ni Klein.
Bigla syang tumakbo ng mabilis at pinigilang umatake si Althea kaya si Klein ang tinamaan ng Lumilipad na dagger na galing kay Margoux sa likod.
"KLEIN!" Sigaw naming lahat na ikinagulat naman ni Althea. Agad naman kaming tumakbo para kunin si Klein at maidala sa Infirmary.
"Pagsisisihan mo to Margoux pag may nangyaring masama kay Jasper." Galit na sabi ni Vaughn kaya naiwang tulala si Margoux pati ang mga kasama nito.
***INFIRMARY***
"Matindi ang tama ni Klein kahit dagger lang ang tumama. Ang hirap nyang pagalingin. Di ko alam kunv bakit." Sabi ni sunshine.
"Patingin nga." Sabi ni Sebastiene kaya tumabi kaming lahat.
"May lason ang dagger na tumama sakanya. Poison na kayang palalain ang tama nito walang healer ang kayang pagalingin to. Tanging yung may gawa ng poison o si Celestial Spirit Scorpio." Pagsasaad ni Sebastiene.
"Teka Seb, Celestial Spirit mo yun di ba?" tanong ni Ethan.
"Oo, pero mapaparusahan si Margoux pag nalaman si Scorpio na ginamit ni nya ang Forbiden Poison." Sabi ni Sebastiene.
"WHAT?! THAT'S THE FORBIDEN POISON?" Gulat na tanong si Sunshine.
"Oo." Yun nalang nasabi ni Sebastiene.
Nakita ko naman ang kaibigan kong si Althea na iyak ng iyak. Kaya inalo ko sya para tumahan na.
"So isa lang ang solusyon dito. Ang puntahan si Margoux para sya ang makatanggal ng Poison sa katawan ni Klein." Sabi ni Luna.
"Ako na ang pupunta." Sabi ni Sebastiene agad lumabas.
"Ako dapat ang nasa kalagayan ni Klein ehh!" sabi ni Althea na sobrang maga na ang mata kakaiyak.
"Magiging ok din ang lahat." Pag-aalo ko kay Althea.
SEBASTIENE'S POV:
Ano ba ang naisip ni Margoux at gumamit sya ng Forbiden Poison? Matagal na kong may lihim na pagtingin kay margoux, pero sinisikreto ko nlang dahil si Klein ang gusto nya. Pero hindi ito pinapansin ni Klein. Ang pinagtataka ko, saan nya ba nakuha yung Poison na yun. Pagdating ko sa Classroom kung asan si Margoux, kumatok na ko sa pinto atag binuksan ng Professor nila na si Prof. Kiel.
"Oh Mr. Collins, ano ang sadya mo dito?" tanong ni Prof. Kiel.
"Pwede po bang iexcuse si Margoux Alstreim?" tanong ko kay Prof. Kiel. Kumunot anaman ang noo nito.
"Bakit?" tanong niya.
"pinapatawag po kasi sya ng.... ng Dean." Mabilis kong palusot kaya naman agad nito tinawag si Margoux.
"Anong kailangan mo at bakit andito ka?" tanong ni Margoux pagkalabas nya ng Classroom.
"Sumama ka sakin." At agad ko naman syang hinila kaya agad din kaming naglakad papuntang infirmary kung asan si Klein.
"Saan ba tayo pupunta Galford!! Ano ba??" Sigaw ni Margoux kaya kami napatigil sa paglalakad.
"Nahihibang ka na ba Margoux! Saan mi nakuha ang Forbiden Poison? Alam kong Spell caster ka pero paano ka nakagawa ng Forbiden Poison?" nagulat si Margoux dahil sa sinabi ko.
"Anong Forbiden Poison ang sinasabi mo? Natural lang na poison yun.at hindi galing saakin yun. Galing yun sa pinsan kong si Princess Herna." Paliwanag ni Margoux.
"Pinsan mo? Ibigsabihin hindi mo alam kung paano magagamot si Klein? F*ck!" yun nalang ang nasabi ko. At agad kaming tumakbo sa infirmary para sabhin sa kanila ang masamang balita.
♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚
A/N:
Long update for everyone! BELATED HAPPY VALENTINE'S DAY!
©EmpresaRein❤
BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Science FictionACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.