Chapter 19 - Training

134 18 0
                                    

CASSANDRA HEART’S POV:


My eyes are burning…

“Bes,  mukhang lumalabas na kapangyarihan mo. I’m so Happy for you.” Yakap sakin ni Althea. Bakit parang di ako masaya?

“Princess, is there something wrong?” tanong ni Sebastiene sakin.

“hindi ko alam? Parang ang weird. I feel like burning pero di masakit. Ang sarap sa pakiramdam. Pero parang di ako masaya?” napatingin sila sakin ng parang nagtatanong. Pero si Krystal, ayun inirapan lang ako at umalis. What’s with her? Malapit na kong mapikon sa kanya.

“Papanong di ka masaya? Diba dapat nga matuwa ka kasi may majika ka na. Dapat malaman to ng Mama mo bes!” sabi ni Althea.


“Wag muna. I’m not fully occupied by this power. Bakit ako di masaya? Kasi may iba sa nararamdaman ko ngayon. Sige, maiwan ko muna kayo.” Iniwan ko sila ng gulantang. Tinatawag nila ako pero di ko sila pinapakinggan. Well, gusto ko mapag-isa at tuklasin mag-isa ang majika ko.


Naglalakad akong papuntang Training room ng mamy mabangga ako. Matangkad, maganda ang jawline, matangos ilong, maputi at …

 Matangkad, maganda ang jawline, matangos ilong, maputi at …

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Miss? Tapos ka na bang titigan ako? Kasi kung oo, Excuse me.” Sabay alis. WOW. Napaka hambog! Feeling naman nya kagwapuhan sya! Mas gwapo pa din ang mga co-guardians ko.


Teka? Super dark GREEN ang mata at Buhok nya? Hindi naman sya guardian? Bakit kaya? Anyway, I need to train myself. Wala namang ibang makakatulong sakin kung hindi ang sarili ko.

Pagpasok ko ng training room walang katao tao. Mabuti narin to. Nag concentrate ulit ako maigi hanggang sa biglang umilaw ang kwintas ko. Yes I’m seeing my own necklace glowing.


“Anak. Hindi mo pwede itrain ang sarili mo. You need them, especially Ms. Taurus Somerhalder.” Napalingon ako sa nagsalita. Kaya pala umilaw ang kwintas ko dahil kay Amang ispiritu. Tska sino nga ulit ang sinabi ni Ama?

“Sino po? Tsaka bakit hindi nalang kayo ang magturo sakin, panigurado mas marami akong matututunan sayo. Sige na Ama.” Pagmamakaawa ko kay Ama, pero nginitian nya lang ako.


“Si Krystal Keith Somerhalder, Holding Taurus’ Agate Stone. Sya ang warrior guardian, so I guess alam mo na kung bakit sya ang kailangan mo na itrain ka.” Napakunot ang noo ko. Syenpre gets ko si Ama. Kaso diba? Parang ayaw nya sakin.


“Ama, syempre naiintindihan ko kung bakit si Krystal ang gusto nyong magturo sakin, dahil sya ang pinaka bihasa sa pakikidigma, pero Ama –“ naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Ama.


“Anak, kailangan mong kausapin si Krystal, gusto kong maging magkaibigan kayo, alamin mo kung bakit sya may sama ng loob sayo. Intindihin mo kung bakit. Wag mo papairalin ang pride sa puso mo, kailangan ikaw ang gumawa ng way para magkaayos kayo. Nasayo lahat ng katangian ng mga Guardians, kailangan mo sila. At kailangan ka din nila. Yan ang una mong training mula sakin.” At biglang nawala si Ama, nawala naring ang ilaw mula sa kwintas ko.


So ang training sakin ni Ama ang maging mapagkumbaba? Kay, sige na nga, kakausapin ko sya. Pero papano? Eh di ko naman alam saan nag pupunta yun. Bahala na nga. Ang mahalaga, makausap ko sya.

By hook or by crook.



VAUGHN KRISTOFF’S POV:


Paalis na kami ngayon nila Klein, JM, at Prime para gawin ang mission. Gusto ko man magpaalam kay Cassandra pero hindi pwede.


“Kris, tara na. Baka abutin tayo ng umaga. May makakita pa satin.” Paalala naman ni JM sakin.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon