"What happened to you, Alisson?" tanong kaagad ni Mommy no'ng makababa na ako mula sa kwarto ko.
Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa lecheng Kevin Fuentez na 'yon. Buti na lang talaga at Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Kaso nga lang, nandito si Mommy at for sure, kukulitin na naman ako n'yan.
"Bakit ganyan ang mga mata mo? Nagpuyat ka na naman ba?" See?
"Hindi ko na kasi namalayan 'yong oras, Mommy," sabi ko na lang.
"Nagsayaw-sayaw ka na naman, 'no?"
Tumango na lang ako kahit hindi naman 'yon ang dahilan, though, madalas ay 'yon din ang dahilan kung bakit ako napupuyat. Kapag may gusto akong makabisadong sayaw ay pupunta ako sa dance room, na nirequest ko kina Mommy, na katabi lang ng kwarto ko.
"What time did you sleep? It's just 8 AM."
"Mom, may pupuntahan pa ako later," sabi ko naman at bigla kong naalala ang scenario na 'yon.
Hindi na ako kinulit na Mommy after that since nag-promise ako na matutulog ako nang maaga mamaya. Yup, my mother treats me like a kid, but I guess that's fine since I'm the only child of this family.
Nag-stay naman ako sa sala at nanood muna ng isang movie. Ka-chat ko rin 'yong tatlo at in fairness, ang aga naming nagising lahat.
Jess: May hindi nakatulog hahahahaha
Yna: She's too excited lol
Steff: Puro seen lang siya oh
Nagsend ako ng picture ko habang nakairap at pinaulanan naman nila ako ng emojis at tawa. Kainis 'tong tatlong 'to. Para tuloy akong kinakarma dahil sa pang-aasar ko kina Jess at Steff dati. Jusko, buti na lang at wala pang lovelife 'tong si Yna.
Nagstay naman ako sa dance room at dinala ko ro'n ang laptop ko. Nagbihis din ako ng sleeveless and sweatpants para sana magpractice. I picked Fvck Apologies by JoJo as my music and I already choreographed half of the song these past few days. Nagpractice ako ng ilang oras doon at may binago-bago pa akong ilang steps dahil hindi ako satisfied. Sasayaw na sana ulit ako pero napatigil ako no'ng biglang nagring ang phone ko. Pinatay ko naman kaagad ang tugtog at kinuha ko 'yon pero napatigil ako dahil unknown number. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka si Kevin 'to.
"Hello?"
"Hi." Napatigil ako. Shet. Sabi na nga ba. I'm sure nakuha niya ang number ko kay Karla. Ang nakakainis pa ay parang nang-aasar na nang-aakit ang tono niya.
"Who's this?" pagmamaang-maangan kong tanong at narinig ko ang saglit niyang pagtawa. Jusko, naiimagine ko ang smiling face niya!
"Nakalimutan mo na kaagad ang boses ko? Parang kahapon lang, bumulong pa ako sa'yo." Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako sa sinabi niya at nilayo ko ang phone sa tenga ko.
Bwisit na Fuentez 'to! Bakit kahit boses niya ang lakas ng appeal? Ayoko na! Ang duga!
"Ay, sorry po, wrong number," biro ko pero nagulat ako sa pagsigaw niya.
"Wait! Gusto ko lang ipaalala na may practice tayo ngayon."
"Okay," mahinahon kong sabi pero ang totoo ay sobrang kinakabahan na ako dahil ito na ang usapan.
"Actually, I'm already inside your subdivision. Dinescribe din ni Jess ang bahay n'yo."
"What?!"
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?