Chapter 16

88.2K 2.8K 318
                                    


Ilang gabi na akong 'di makatulog nang maayos dahil sa Kevin na 'yan. Ni hindi ko nga alam kung kailan siya naging part ng circle namin. Sabagay, laging kasama nina Steff at Jess sina Darryl at Patrick kaya 'di malayong sumama rin siya sa amin paminsan-minsan. Pero paano naman ang feelings ko?!

Ang nakakainis pa, kapag nandyan siya, laging nang-aasar ang expressions ng tatlo. Kulang na lang sabihin na nilang may crush ako sa kanya, eh.

"Uy, si Kevin!"

"H-ha?!"

Napatingin agad ako sa paligid pero nang marinig ko ang pagtawa nilang tatlo ay na-realize ko na pinagtitripan na naman nila ako.

"Uy, conscious," Steff teased while Yna and Jess snickered beside her.

"Conscious ka d'yan? Nagulat lang ako," I retorted while flipping the pages of my notebook.

Pinabayaan ko na lang silang tatlo at nagkunwari akong nag-aaral pero ang totoo ay lumilipad lang ang isip ko. Peste kasing Kevin 'to, ginagawang tambayan ang utak ko. Naalala ko na naman tuloy ang sinabi sa akin ni Karla tungkol sa kanya.

Now, I understand him a bit. Siguro kaya siya gano'n ay dahil may epekto sa kanya ang pag-alis ng Mom nila pero naiinis pa rin ako kapag ang dami niyang nilalandi. Tulad na lang ngayon. May babae na namang nakadikit sa kanya.

"Pst, Yna, sino 'yon?" I asked while glancing at their direction.

"Oh, still affected?" she teased.

"Dali na. Name her."

"Sorry, she's not familiar."

"Great."

Lalo lang nila akong inasar kaya 'di na ako nakapag-focus. Tinandaan ko naman ang itsura ng babae at bwisit 'tong Kevin na 'to dahil may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Bigla naman siyang napatingin sa direksyon namin at sinipa pa ako ni Jess para i-alert kahit nakatingin din naman ako. He waved at us but instead of waving back, I rolled my eyes at him and looked at the opposite direction.

"Ay, may pag-irap," Jess commented.

"Malay mo, effective," sabi ko naman.

Ilang gabi ko ring pinag-isipan kung ano na ang gagawin ko sa kanya. O, 'di ba, sobrang big deal at naglaan pa ako ng time for him. Anyway, I gave up the thought of moving on since this guy is determined to ruin my heart. Kasi naman, Alice! Pwede namang magkagusto sa matinong lalaki, bakit sa player pa?

"What are you reading?"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Kevin sa tenga ko. I thought I was just hearing things but when I saw him sitting beside me, my heart started pounding against my chest.

"Nag-aaral ako, ha? Huwag ka ngang istorbo!" sabay talikod ko at nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa nina Steff kaya pinandilatan ko sila.

"Oh, anong subject?"

"Chem 'yan, Kevin," sabi naman ni Steff. "May quiz siya mamaya."

"Talaga? Patingin nga," sabay agaw naman niya sa notebook ko.

"Hoy!"

"Ah, redox reactions?"

Napatigil naman ako saglit dahil isang tingin lang ay alam na niya kaagad kung ano ang inaaral ko. Then I realized he's also a Campus Prince and he got here because of his brain.

"Akin na 'yan," seryoso kong sabi at kinuha ko naman sa kanya ang notebook ko. "Hinihintay ka na ng mga kasama mo," sabay tingin ko sa mga babae na nasa corridor.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon