Chapter 25

76K 2.4K 231
                                    

Nawala agad ang sayang naramdaman ko kanina at napalitan 'yon ng bigat ng loob. The atmosphere was heavy and Kevin was the first to make a move. He walked out, got into his car and drove away, leaving the three of us in awkward silence.

"Sorry," sabi ng Mom ni Kevin matapos ang ilang segundo at napilitan naman kaming ngumiti ni Mommy. "Sige, mauna na ako."

"Sorry, naabala pa kita," sabi naman ni Mommy.

"It's okay," she smiled. "Good night."

Mom and I watched her as her car roared and disappeared in our sight. Nakatayo lang kami ro'n na para bang pareho kaming may ginawang kasalanan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at inalalayan niya ako papasok sa bahay.

"I think I did something bad," she muttered as we both plopped on the couch.

"Ano bang ginagawa ni Tita Kristina rito, Mom?" I asked.

She heaved a sigh. "Nasiraan ako ng sasakyan kaya nag-offer siya na ihatid ako nang makita niya ako sa same conference. And you? Why are you with her son? And what happened to your foot?"

"Sprained it during the performance. Nag-insist siya na ihatid ako. Dapat pala hindi na lang, eh 'di sana . . ."

"I didn't know it would end up like that. It seems like her relationship with her children isn't good. Akala ko kahit hiwalay na siya sa kanila ay nag-uusap pa rin sila."

Sinabi naman sa akin ni Mommy na bukas ay pupunta kami sa ospital para ipatingin ang paa ko at tinulungan niya ulit ako hanggang sa makarating kami sa kwarto. Ipapadala na lang din daw niya ang dinner ko rito para hindi ko na kailangang gumalaw.

Ilang minuto pa akong tumunganga bago tuluyang pumunta sa banyo para mag-shower. My foot was still throbbing but the pain was bearable. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nararamdaman ngayon ni Kevin at na-guilty ako dahil sa bahay niya pa talaga nakita ang Mom niya. Hindi ko rin siya masisisi kung iba ang isipin niya dahil doon.

Pagkatapos kong mag-shower ay nagbihis na rin ako at dahan-dahang humiga sa kama dahil sa kondisyon ng paa ko. Kinuha ko ang phone ko at pumunta ako sa inbox. I was contemplating whether to text him or not. In the end, nag-message din ako.

Good evening! Ingat sa pag-uwi.

Hindi ko naman masundan at ayaw ko ring i-open ang topic tungkol sa Mom niya. Naghintay ako ng ilang minuto, na umabot na sa oras pero hindi dumating ang kahit anong message mula sa kanya. Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

Uy, are you okay?

Nag-text ulit ako, umaasang magre-reply siya pero wala pa rin. Hindi ko tuloy alam kung ayaw niya lang ng kausap o galit siya sa akin. Pero hindi naman maiiwasan 'yong pangalawa dahil nakita niya ang taong kinaiinisan niya sa bahay namin kasama ang Mommy ko. Kung ako ang nasa posisyon niya, magagalit din ako dahil parang pinagkaisahan ako.

Itutulog ko na lang sana ang pag-aalala ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko at mabilis ko 'yong kinuha. It was a message from him.

Yes

Iyon ang natanggap ko at hindi ko alam kung dapat ko 'yong paniwalaan. He looked mad when he walked out a while ago but maybe he had cooled his head somehow.

Naalala ko naman 'yong araw na nakita niya sa VCR ng isang class ang Mom niya at hindi siya okay noon. He needed a shoulder to lean on and what happened few hours ago was worse.

Tinext ko ulit siya pero hindi na ulit siya nag-reply kaya tumawag na lang ako. However, he was already out of reach. Nag-message na rin ako kay Karla at tinanong ko kung nakauwi na ba si Kevin pero sabi niya, nag-text daw sa kanya na hindi siya uuwi sa kanila ngayong gabi. Lalo lang akong nag-alala kaya tinawagan ko si Karla at sinabi ko sa kanya ang nangyari.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon