Nagpagulong-gulong lang ako sa kama dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. I couldn't wipe the smile off my face and my heart continued to pound loudly to the point that I was having trouble breathing. Ganito pala ang pakiramdam kapag na-reciprocate ang feelings mo.
"I already fell. Alice, will you fall for me, too?"
Napatalukbong ako nang kumot nang maalala ko ang mga salitang binitiwan ni Kevin. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-survive kahapon sa atake niyang 'yon. Ang alam ko lang, wala na ako sa sarili ko mula noong sandaling 'yon hanggang sa maihatid niya ako rito sa bahay. Hindi tuloy ako nakatulog dahil doon.
Nag-prepare naman na ako para pumasok kahit na ang sakit ng ulo ko dahil wala akong tulog. Buti na lang talaga at wala pang masyadong additional homeworks at projects na pinapagawa ang profs namin.
Pagkababa ko ay nagbe-breakfast na sina Mommy at Daddy kaya sumabay na rin ako.
"Why are your eyes red, Alisson?" puna ni Mommy. "Don't tell me umiyak ka?"
"No, Mom," tanggi ko naman. "Napuyat lang."
"Ah. You're watching tv series again? I told you na sa weekends mo lang pwedeng gawin 'yan."
Heto na naman si Mommy. Ayaw na ayaw niya akong nagpupuyat kapag weekdays kahit na minsan ay kailangan lalo na kapag may research or project sa isang subject. She always checks my room around midnight to see if I'm still awake. Nakakaligtas lang ako kapag maaga siyang dumarating sa bahay dahil ibig sabihin ay galing siya o pupunta sa business trip at kailangan niyang matulog nang maaga. Gano'n ang sitwasyon kagabi kaya hindi siya pumunta sa kwarto ko.
Nagtama naman ang paningin namin ni Dad dahil alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ako napuyat. I actually wanted to know what happened between him and Kevin. According to Kevin, Dad already accepted his apology but under one condition. Tinanong ko sa kanya kung ano pero sa kanilang dalawa na lang daw 'yon. Pssh.
"Anyway, I won't be home for a week," sabi ni Mom kaya napatingin ulit ako sa kanya. "I have a business meeting in Australia."
Dad heaved a sigh. "I also need to go to Taiwan tonight to close a deal."
"Okay," sagot ko naman.
Sanay naman na akong lagi silang umaalis pero lagi pa rin silang concerned kapag naiiwan ako. Noong bata pa ako, kadalasan ay dinadala nila ako kina Steff o Yna para doon muna mag-stay hanggang sa makauwi sila. Ngayon, okay lang naman na kahit ako lang mag-isa sa bahay.
After naming kumain ay hinatid ako ni Dad sa campus pero bago pa ako makababa ay may sinabi siya sa akin.
"Tell Diaz I'm granting him the permission," pahabol niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Permission?"
"Umuwi ka nang maaga, Alisson."
Bago ko pa matanong kung ano ang ibig niyang sabihin ay pinaandar na niya ang sasakyan. Permission for what?
"Ate Alice."
Napalingon naman ako nang marinig ko ang pangalan ko at nakita ko si Karla.
"Wow," I blurted out when I saw her.
Ngayon ko na lang siya nakita simula ngayong taon. She looked different. Her hairstyle changed from brown and straight to black and wavy. She seemed more feminine and her look matured a bit.
"Wow, Karla, ang blooming mo ngayon," I commented and her face turned red in a matter of seconds.
"T-That's not . . . a-anyway, I just want to say I'm happy you and Kuya got back together."
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?