"Kinakabahan ako!"
"Ako rin. OMG!"
"Feeling ko mahihimatay na ako anytime."
'Yan ang kadalasan kong naririnig habang naglalakad dito sa backstage area. Mag-6 PM na at 7 PM ang start ng program kaya halos lahat ay nagmamadali na.
Nakaupo ako ngayon sa may gilid dahil kinakabahan na ako. Sina Steff at Jess ay kanina pa pinatawag para mag-prepare sa sarili nilang production numbers. Si Yna naman, hindi ko na alam kung saan nagpunta. Nagpaalam siya kanina na may ibibigay lang daw siyang kung ano sa kakilala niya at hindi ko na naitanong dahil nga kinakabahan din ako kanina.
Nag-practice lang kami nang nag-practice nitong nakaraang mga araw at naawa ako kay Kevin. Besides our dance presentation, he also has a band performance together with the other Campus Prince of our batch. It was obvious that he was exhausted from all his schedules but he tried so hard to assist and teach our group until the last day of practice.
"Nervous?"
Nagulat naman ako nang narinig ko ang boses niya sa gilid ko. Pagtingin ko, nakaupo na siya sa upuan sa tabi ko. I couldn't say anything because I was mesmerized by his appearance. He looked cool with his all-black outfit and striking makeup.
"Ah. H-huh?" I shook my head when I realized I was gaping at him. Buti na lang at hindi niya 'yon nakita dahil nakatingin siya sa mga tumatakbong tao.
"Ready ka na ba?" tanong niya ulit at this time ay lumingon na siya sa akin.
"You look tired," I asked without answering his question and he gave me a quick smile.
"Quite," sagot naman niya. "After this, I'm going to sleep for a whole day," sabay pikit niya at saka ko na-realize na masyadong mababa ang sandalan ng upuan.
Ilang minuto kong inisip kung ano ang gagawin pero natatakot naman ako dahil baka kung ano ang isipin niya at ng iba. In the end, siya na lang ang inalala ko at inisip ko na lang na wala namang masama dahil nag-aalala lang ako sa kanya. Nakakainis naman kasi, bakit bigla siyang nandito? Eh 'di sana hindi ako namomroblema.
"Here," sabay tapik ko sa balikat ko pero hindi ako tumingin sa kanya. "May one hour pa naman. Pero kung ayaw—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko at natakot ako dahil baka naririnig niya ang tibok ng puso ko. Palihim kong sinampal ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para i-suggest ang bagay na 'yon.
"Thank you," he softly said. "I'll use it well."
Buti na lang talaga at 'di niya nakikita ang mukha ko dahil hirap na hirap na akong magpigil ng ngiti. Hindi rin ako makahinga nang malalim dahil baka maistorbo siya. Kung kanina ay out of sympathy ang pag-offer ko, ngayon, nauwi na sa kilig. Pakiramdam ko nawala lahat ng ingay sa paligid at kaming dalawa lang ang nandito. Sabi ni Steff, gano'n daw ang naramdaman niya noong una niyang na-realize na may gusto na siya kay Darryl at akala ko ay nagjo-joke lang siya pero hindi pala. It really felt like we were alone, as if everything around us faded away.
After a few minutes, dahan-dahan kong sinilip ang mukha niya at mukhang nakatulog talaga siya. Grabe siguro ang pagod niya ngayon.
"Ayos lang sa akin kung sa'yo ako ma-i-issue."
Napailing ako nang maalala ko ang sinabi niya noong nakaraan. Hindi ko alam kung pinagti-tripan niya lang ba ako o isa na naman 'yon sa pa-fall lines niya. Ayaw ko namang mag-assume kaagad dahil marami nang puso ang nabiktima niyan.
Napatingin ulit ako sa kanya at bigla akong napaisip. Most people would think that he's an easygoing and cheerful person because of his personality but the truth is, he's also struggling and someone who needs support. Noong nalaman ko ang tungkol sa Mom niya ay nagbago ang pagtingin ko sa kanya. I didn't expect someone who's as mischievous as him carrying something like that on his shoulders.
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?