Antok na ako.
Pagkalabas ko sa kotse ay hindi ko na nilingon si Mommy at dumiretso na ako sa campus. Medyo stressed ako sa mga nangyari noong weekends. Grabe ang trip ng mga tao sa paligid ko. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Kuya Xander last time at ginatungan naman nina Yna ang ginawa niya.
They forbade me from using my phone and I wasn't able to text Kevin. Nauto naman ako ng mga 'yon kaya sinunod ko sila. Na-curious din kasi ako sa magiging reaction ni Kevin kaya naman pinigilan ko ang sarili ko sa pagtetext kahit gustung-gusto ko na, pero siya naman ay wala man lang kahit anong message pagkatapos ng pagtawag niya.
Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan dahil sa nakita ko. I halted, checking if I was just hallucinating because Kevin seemed like waiting near the garden area. Panicked, I stepped back but I bumped into someone. Paglingon ko, nakita ko si Patrick at napatingin naman siya sa direksyon ni Kevin. He gave me mocking smile and before he could say or do anything, I ran away.
Dumiretso ako sa dance studio at pagdating ko ro'n ay hingal na hingal ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina. Sa lahat naman ng pwedeng makita, bakit 'yong magpinsan pa na 'yon?
"Ang saya mo siguro ngayon, ano?"
Napatingin naman ako sa gilid at nandoon na si Jon. He was drenched in sweat, probably because he just finished practicing some dance routines. Lumapit naman siya sa akin habang pinupunasan niya ang mukha niya gamit ang towel.
"Congrats," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ha?"
Nagtitigan lang kami dahil hindi ko gets ang sinasabi niya habang siya ay mukhang naguguluhan din. Medyo wala pa ako sa wisyo dahil nga nakita ko si Kevin at baka kung ano na ang sinasabi ng Patrick na 'yon sa kanya. Wait, i-text ko kaya si Jess?
"Looks like you still don't know the news," he said while heading back to his locker.
"What news?" Lumingon naman siya at saka ngumiti nang nakakaloko.
"Malalaman mo rin."
"Spill it!"
"Where's the fun in that?"
"Tss. Fine. Meron akong reliable source."
Nilabas ko ang phone ko at tinext ko si Yna kung ano man ang news na sinasabi ni Jon. Minsan nga iniisip ko na baka member 'tong si Yna ng underground website administrators sa dami niyang alam na gossips sa campus. Nagtaka naman ako dahil hindi pa rin siya nagrereply. Mukhang busy ang isang 'to, ah?
"Nagpractice ka na ba para sa monthly evaluation n'yo?"
"Oh my God."
Napatingin lang ako sa kanya dahil nakalimutan ko ang tungkol do'n. The new members are required to participate in the monthly evaluation, wherein we'll perform a certain choreography made by the seniors. Dahil busy ako noong nakaraang weeks sa acads ay hindi ko na 'yon naalala.
Inasar naman niya ako at sinabi pang baka mapagalitan na naman ako. Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi na ako nakatulog nang maayos kagabi kaya naman may two hours pa akong vacant bago ang first class ko. Pumasok kami ni Jon sa room A at ni-referesh niya sa akin ang routine.
Si Ate Pinky ang choreographer namin for this month at puro footworks ang routine na ginawa niya. Buti na lang at kabisado rin ni Jon kaya nakasunod ako at natama ko ang mga hindi ko makuha noong una.
"Break muna," sabi niya at saka siya umupo.
Umupo na rin ako sa sahig dahil napagod ako. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. I just had a bowl of cereal for breakfast and my energy was already depleted after dancing that routine. Aayain ko sana si Jon na bumili kami ng pagkain pero pagtingin ko ay nakangiti siya habang nagtatype sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Fiksi Remaja𝗞𝗶𝗻𝗴𝗱𝗼𝗺 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?