Chapter 24

78.6K 2.5K 333
                                    


Habang nagsasaya ang mga estudyanteng nanonood ay lalo lang akong kinakabahan dahil malapit na ang stage performance namin. Idagdag pa 'yong mga nangyari kanina kaya naman parang wala na ako sa wisyo.

"Okay ka lang, Alice?" tanong ni Jackie at ngumiti naman ako sa kanya.

"Oo. Medyo kinakabahan lang."

"Hala ako rin! Feeling ko magkakamali ako," dagdag ni Pam.

"Sana perfect natin," sabi naman ni Suzy.

Nag-practice naman ulit kaming apat habang hinihintay si Kevin dahil mukhang busy ang lalaking 'yon. Ang dami niyang ginagawa at kung saan-saan din siya pumupunta.

Naalala ko naman ang nangyari kanina kaya bigla akong napangiti. Hindi ko alam kung tama bang mag-assume pero kasi napapansin na niya talaga ako, eh. Kaso nga lang, ang iniisip ko, baka naman gano'n din siya sa ibang babae. Ewan ko ba sa sarili ko, ba't ako nagkakaganito. Dati naman, kapag nagka-crush ako at unti-unti na niya akong napapansin, unti-unti na ring nawawala ang interes ko sa kanya. Sabi nga nila, ako 'yong tipo ng tao na gusto lang ang challenge. Pero pagdating kay Kevin, ayaw kong tumigil.

After a few minutes, nakita namin siyang tumatakbo papunta sa pwesto namin. Exhaustion was visible on his face and I felt sorry for him.

"Last practice?" sabay ngiti niya at tumango naman kami.

Sinayaw namin ang choreography at nagpalakpakan kami nang matapos dahil wala kaming mali at synchronized ang mga galaw namin.

"Uy, Kevin, nawala na 'yong ayos mo," sabi ni Pam habang nakaturo sa mukha ni Kevin.

True enough, kumalat na nga ang eyeliner niya. Lahat kasi kami ay dark ang make up para match sa choreography at dahil kanina pa siya takbo nang takbo kung saan-saan ay nabura na ng pawis ang ayos niya.

"Totoo?" sabay punas naman ni Kevin sa mukha niya. "Paayos naman. Marunong ka?"

"Naku, hindi eh. Si Alice ang nag-make up sa amin."

Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin at nakita ko pa ang nakakalokong pagngiti ng lalaking 'yon kaya napaiwas ako ng tingin.

"Oh. Diaz, paayos naman," sabi niya at naglakad siya papunta sa akin.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko at habang papalapit siya ay lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung karma ko ba 'to dahil sa pinaggagawa ko kanina o pinagti-tripan lang ako ng tadhana.

Huminga ako nang malalim at kinuha ko ang kit sa gilid. Dumiretso kami sa mga upuan at agad naman siyang humatak ng dalawa. We sat facing each other but I couldn't even look at his eyes.

"Pikit," I ordered as I opened the lid of the eyeliner.

"Paano kung ayoko?" Pagkasabi niya no'n ay nagkatinginan kami at ilang beses na akong sumigaw sa isip ko dahil ang lapit ng mukha niya at kakaiba ang tingin niya.

"Sige, tusukin ko 'yang mata mo," sabi ko naman at sana ay hindi niya nahalata ang panginginig ng boses ko.

"Brutal," sabay tawa niya. "Sige na nga," mahina niyang sabi at saka siya pumikit.

"Good."

"Huwag mo akong nanakawan ng halik, ha?" he suddenly teased.

Buti na lang talaga at nakapikit siya dahil hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ang malala, napatingin din ako sa labi niya at kinailangan kong pumikit din para kalmahin ang sarili ko.

Baliw ba siya?! Bakit siya nang-aasar nang ganyan? And how could he say those words with a straight face?

Huminga naman ako nang malalim pero nakaka-stress dahil nakangiti pa rin siya habang nakapikit. Ang init na tuloy ng mukha ko. Buti na lang at hindi niya nakikita dahil mamamatay talaga ako sa hiya.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon