Chapter 26

76.5K 2.5K 392
                                    


"O, saan ka pupunta?" bungad ni Mommy nang nakita niya akong pababa sa hagdan.

"Ah, may i-mi-meet lang," sagot ko naman at naningkit ang mga mata niya.

"The Fuentez kid?"

Napatigil ako paggalaw nang narinig ko 'yon at nginitian naman niya ako. Obvious ba ako masyado at pati si Mommy ay alam na ang mga ikinikilos ko?

"Dahil ba 'to sa nangyari noong nakaraan?" tanong niya at tumango naman ako. "Sige na. Mag-ingat sa paglalakad. You could re-injure your foot."

"Okay, Mom. Bye!"

Mabilis naman akong naglakad palabas at tatawagin ko pa lang sana 'yong driver namin pero nagulat ako nang may bumusina mula sa labas. Nakita ko naman ang kotse niya at napako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi naman niya ako in-inform na susunduin niya ako! May palagay-lagay pa siya ng place at time tapos biglang nasa harapan na siya ng bahay?

Huminga muna ako nang malalim pero parang nag-backfire 'yon at naubo ako dahil lumabas siya mula sa kotse niya nang naka-shades pa. Mukha siyang artista. Pakiramdam ko nga ay nakita niya akong nakanganga lang habang nakatingin sa kanya. Oh my gosh, sana feeling ko lang 'yon kasi nakakahiya!

Lumapit ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang mabilis na ngiti. Pinapasok niya ako sa kotse at ramdam ko naman na parang wala pa rin siya sa sarili niya. The atmosphere was still awkward between us after what had happened and I couldn't think of anything to say that wouldn't remind him of his Mom.

"Sorry, saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nakangiti pero hindi ko alam kung sincere ba 'yon. Dahil ayaw ko namang lalong maging negative ang atmosphere ay sinagot ko na lang siya.

"Sa favorite mo na lang?" I returned and his smile widened a bit.

Pinaandar niya ang sasakyan at napangiti rin ako dahil sa pagngiti niya sa akin. Dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko rin kasing malaman kung saan ang favorite restaurant niya.

"Bakit ka pala naka-shades?" tanong ko at akala ko ay magbibiro siya pero hindi ko naman inasahan ang nakita ko. His shoulder tensed and he gripped the wheel so hard his knuckles became white. "O-okay lang naman na hindi mo sagutin—"

Huminga siya nang malalim at nagulat ako nang tanggalin niya ang sunglasses niya. He was still looking at the road but I could see the purplish bruise on his right eye.

"A-anong nangyari diyan?" tanong ko habang nakatingin sa black eye niya.

"Ah. Napaaway."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naalala ko tuloy noong sinugod niya si Stan pero parang mas malala ang away na pinagmulan ng nangyari sa mata niya.

Gusto ko pa sanang magtanong pero mukhang wala na akong makukuha dahil seryoso na ang mukha niya. We were silent during the whole ride and it was suffocating. Minu-minuto kong pinapanalangin na sana ay makarating na agad kami sa resto at nang may natanaw ako ay halos tanggalin ko na ang seatbelt dahil gustung-gusto ko nang lumabas.

Pagkarating namin doon ay nauna na akong lumabas at agad na lumanghap ng sariwang hangin. Akala ko malalagutan na ako ng hininga kanina dahil sobrang awkward namin. Nakakainis lang dahil hindi ako sanay na ganyan siya at mas gusto kong makita ang easygoing nature niya.

Sinuot niya ulit ang sunglasses niya at pumasok kami sa loob ng restaurant. Isang hakbang pa lang sa loob ay nakaawang na ang bibig ko dahil sa pagkamangha. We were greeted by romantic lights, different kinds of plants and paving stones, giving a "secret garden" vibe. Along the path were private gazebos and I could see families, couples and friends gathered in each of them.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon