"Ayaw niyo talagang sumama?" tanong ko sa dalawa kong kasama na busy sa pagsasagot ng form.
"Nah. I don't watch basketball games," sabi ni Yna sa akin sabay wagayway pa ng kamay niya.
"May gagawin pa ako sa student council room mamaya eh," sabi naman ni Steff.
"Ano ba naman 'yan. Sige na nga, ako na lang pupunta. Haaay kapag nga naman biniyayaan ka ng mga KJ na best friend. Oh siya, mauna na kayong umuwi mamaya," saka ako umalis sa room namin at dumiretso sa gym. Ang KJ talaga ng dalawang 'yun! Wala tuloy akong kasama manood.
Regional high school basketball game kasi ngayon at kasama ang school namin sa top 4. Dahil member ako ng varsity sa volleyball, may free admission ticket kami galing sa school. Sayang naman kung hindi ko magagamit. At isa pa, 'yung regular members ng basketball team ng school namin ay halos fourth year at ka-batch namin kaya gusto ko silang suportahan. Ang bait ko 'di ba?
Nakisabay ako sa mga kasamahan ko sa volleyball club na manunuod rin ng game at sama-sama kaming pumunta sa venue. Pagdating namin doon, halos kalahati ng stadium, puno na. Wow, isang oras pa bago magsimula pero ganito na karami? At high school basketball game lang naman 'to, tapos regional lang. Ang dami namang manonood!
"Nandito na kaya yung ace ng East Valley High?"
"Si Fuentez? OMG! Sabi ni Ciara, sobrang gwapo raw nun sa malapitan!"
"Gusto kong magpapicture sa kanya!"
Napalingon naman ako doon sa mga nag-uusap na babae sa bandang kanan ko. Fuentez? East Valley High? Ang alam ko, sila 'yung champion last year. Nasa pangatlo naman ang school namin. Actually, dapat second kami pero nagkaroon ng injury 'yung captain kaya hindi siya nakapaglaro sa second half ng finals, sabi ng mga nakapanuod.
"Huy! Ayan na sila! Ayun siya oh! 'Yung number 8! Ahhh ang gwapo niya kahit sa malayo!"
"Balita ko magaling rin daw siyang sumayaw eh."
"Grabe! Lamang na nga sa looks, marami pang talent! Swerte siguro ng magiging girlfriend niya, 'no?"
Tumingin rin ako sa pinag-uusapan nila. Boy hunting ata pinunta ng mga babaeng 'to eh. Aba kung 'yun ang purpose nila, 'wag naman sila masyadong halata!
Pagtingin ko sa court, nandoon ang basketball team ng East Valley High. Hinanap ko 'yung number 8 na sinasabi nila dahil nacucurious ako sa itsura niya. Nung makita ko siya, para akong nakatingin sa isang model ng basketball jersey. Gosh, ang gwapo nga! Yummy! Sobrang lumakas pa 'yung dating niya dahil sa hawak niyang bola ng basketball. Pero halos matumba ako sa pagkakaupo nung biglang tumingin siya sa direksyon ko. Buti na lang at naiwas ko kaagad 'yung paningin ko.
Pero grabe! Ang gwapo talaga! Mukhang macho papa pa! Siguro kaya rin maraming tao rito ngayon dahil 'yung mga basketball players ay malalakas din ang dating.
Nagsimula naman agad 'yung game. Unang lumaban ay ang school namin, Willson Academy, at 'yung Florence High. Exciting 'yung game dahil dikit 'yung scores sa first half. Pero nung second half na, unti-unti nang lumalaki 'yung gap kaya sobrang lakas na ng pagchicheer namin. At nung matapos ay sobrang nagtilian 'yung nasa side namin dahil ang final score ay 102-89. Sa second match naman ay ang East Valley High at Villegas Academy. Sa game na 'yun, sobrang lakas ng cheer sa side ng East Valley High. Dahil first time ko lang manood ng basketball game nila, na-amaze ako sa pinakita nila. First quarter pa lang, seven points na agad ang lamang nila. Pero mas lalo akong namangha dahil sa flawless shots ng number 8. He can shoot outside and inside. Siya yung main scorer ng team nila at sobrang nakakabilib talaga. Sa last quarter, 115-80 ang naging score.
After ng game nila, nakangiti lang 'yung number 8 habang kinocongratulate siya ng schoolmates niya. Kahit na pawis na pawis siya, ang gwapo pa rin niyang tignan!
Lumipas ang mga araw, hindi ko pa rin makalimutan 'yung number 8 na 'yun. Sinearch ko pa nga siya sa Facebook. Kevin Fuentez pala ang name niya. Fourth year na rin siya sa East Valley High at marami siyang fangirls sa school nila. Hindi ko naman sinabi 'yun kina Steff at Yna, best friends ko, dahil alam kong hopeless crush lang naman 'to. I mean, hindi naman seryoso. Admiration lang talaga. Pero feeling ko talaga, bagay kami.
Joke!
Nung matapos na kami sa aming high school life, napagdesisyunan naming sa Kingdom University na lang pumasok, dala na rin ng impluwensya ng mga magulang namin sa amin. Maganda naman daw kasi sa school na 'yun.
Well, totoo naman. Pagpasok pa lang namin sa campus, halatang mga may kaya ang nag-aaral dito. Nakuha pa ngang Campus Princess si Steff, eh. Sabagay, Class Valedictorian namin siya nung high school kaya hindi malabong makapasok siya sa list na 'yun. Pero dahil nga weird ang isang 'yun, ayaw niya yung attention na natatanggap niya. Ayan tuloy, umagang-umaga, nakabusangot ang pagmumukha. Pumunta kaming cafeteria para bumili ng strawberry-flavored whatever na makakapagpalamig ng ulo niya pero mukhang lalong uminit dahil nakilala siya ng mga estudyante doon. Pero ang hindi ko inaasahan...
"Uy, di ba, Campus Prince siya?"
"Ang cute ni Kevin! Super!"
"Grabe, ideal boyfriend ko na siya! Gwapo!"
Napatulala na lang ako doon sa lalaking naglalakad papunta sa counter ng cafeteria. Hala ka! Dito rin siya? As in, dito? Tapos Campus Prince siya? Hala talaga! Pero dahil napansin kong napatingin sa akin si Yna, tinanggal ko 'yung shocked look ko at naisipan kong lokohin na lang si Steff.
"Wow, isang campus prince at campus princess! Ang cute!" halos sabay pa kami ni Yna, though kakaiba 'yung accent niya dahil Korean siya. Cute!
Sinamaan naman kami ni Steff ng tingin kaya nag-sorry na lang kami at tumakbo palabas sa cafeteria. Akala ko, dahil lang sa pagtakbo kaya ang lakas ng tibok ng puso ko. Pero putspa, hindi eh. Alam kong dahil 'to sa pagkakita ko kay Kevin Fuentez, ang lalaking bagay sa akin. Ayy, joke!
Ngayong nasa iisang university na kami, mapapansin niya kaya ako? Kaso...mukhang malabo. Campus Prince siya, ako nganga. So, paano na?
***
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?