Alam n'yo 'yong feeling na kilig na kilig ka tapos parang bigla na lang nawala lahat dahil sa pagdating ng kontrabida? Feeling ko nasa teleserye ako ngayon.
Umupo ako sa tabi nina Yna at pinapakalma ko ang sarili mula sa pagod at inis.
"Konti na lang, uusok na 'yang ilong mo," Jess whispered and I glared at her. "O, bakit ako? Ako ba ang nanghalik?"
"Sila ba? I mean, like, committed?" inosente namang tanong ni Steff.
"I'll check," Yna suggested and started tapping her phone.
Hindi ko na lang sila tinignan at nagfocus ako sa performances ng apat pang natitirang groups pero bwisit lang kasi nakikita ko sa peripheral view ko sina Kevin at Jane.
Ang nakakainis pa, hindi naman ako ganito sa mga dati kong naging crush. Kapag may babae na sila, nawawala na rin 'yong feelings ko, pero ngayon iba. I was jealous for the first time.
"I don't think so," sabi naman ni Yna. "It looks like he's not into commitment."
"Tss. Bakit ba sa lahat ng pwedeng maging crush, 'yong malandi pa," I blurted out and the three of them looked at me as if I said something ridiculous. After a few seconds, they burst out laughing.
"Ikaw ba 'yan, Alice? Bakit masyado kang affected?" Sinamaan ko naman ng tingin si Steff.
"Che. Palibhasa may love life ka. You do not know my pain," sabay punas ko pa kunwari sa mata ko pero itong si Jess naman, binatukan ako.
"Kadiri, Alice. Hindi bagay."
"Isa ka pa. Porque blooming na rin ang love life mo. Hay naku, hindi n'yo alam ang pakiramdam ng isang single na hanggang crush lang. 'Di ba, Yna?"
"Right," she nodded.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos kong makipagkulitan sa kanilang tatlo. Emotionally, I'm the strongest among the four of us and I don't want them to show them my weak side.
No'ng huling performance na ay hindi naman napigilan ng mga mata ko na sumilip sa direksyon ni Kevin. I was just planning to glance but when I our eyes suddenly met, I was caught off-guard. I wanted to divert my line of sight but his gaze was making it hard for me to look away.
Nagulat naman ako nang ngumiti siya. Tss. Akala mo madadaan mo ako sa ganyan? Inirapan ko siya at tumingin sa ibang direksyon pero sakto namang nagkatinginan din kami ni Karla. Ngumiti siya nang nakakaloko at hindi ko alam kung trip lang ba nilang magkapatid 'yon o may hindi lang ako nagets.
After that, pinaalis na ang guests at naiwan ang members ng org.
"Congratulations, guys! All of you did well!" bati ni Ate Divine at nagpalakpakan naman ang members habang kaming mga bago ay nakakumpol sa gitna.
"Actually, there wasn't really a competition," dagdag ni Kuya Owen at nagkaroon ng bulungan. "The goal of this 'showdown' was to communicate with your senior partner and the audience through your dance, along with the pressure of winning against your opponent. Just like what Divine said, you are all amazing."
Halos lahat kami ay natouch sa sinabi ni Kuya Owen at hindi ko alam kung bakit pero napatingin na naman ako sa direksyon ni Kevin. I thought he would be smiling once again but I was surprised when I saw him with a serious expression with a tinge of guilt. Okay, what was that?
Tinry ko ulit magfocus kina Kuya Owen at sinabi nilang lahat kami ay official members na kaya naman bigla akong natuwa. Ibig sabihin, magagamit na rin namin ang ibang practice rooms at pwede na rin kaming magparticipate sa iba't ibang activities.
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen Fiction𝗞𝗶𝗻𝗴𝗱𝗼𝗺 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?