"I'm so dead," Yna muttered as we headed to the garden.
"Hindi lang naman ikaw. Magkaramay tayo," sabi ko naman.
Last day ng Finals week ngayon at katatapos lang ng exams namin kaya pagod ang utak namin. Kinakabahan ako sa Calculus dahil mahina talaga ako sa Math. Buti pa sina Steff at Jess, na-exempt sa finals dahil mataas ang grades nila. Nakakainggit talaga ang mga pinagpala sa talino.
"But you know what, I think I did well in Aral Pil," sabi ni Yna nang makaupo na kami.
"Wow naman, best in Filipino na siya," I teased and she pouted at me. Cute niya talaga 'pag inaasar.
Hinintay naman namin sina Jess at Steff dahil hindi pa sila tapos sa practice. Yes. Hindi sila busy sa exams kundi sa practice para sa The Movement. Buti pa sila, nakakapag-rehearse na samantalang kami ay kailangan pang mag-aral at mag-take ng finals.
"There they are!" sigaw naman ni Yna habang nakaturo kaya napatingin ako at mukhang maling desisyon 'yon.
The Campus Princes and Princesses of our batch were walking down the hallway and everyone was looking at them. Minsan lang naman sila magsama-sama kaya mapapatingin ka talaga lalo na't sila ang "the chosen ones" ng batch.
At kasama ro'n si Kevin.
Naalala ko tuloy bigla ang huli naming pagkikita. He saw his mother in a documentary about business management and I realized she already had another family. Seeing him broken instead of being his usual mischievous self was unbearable. When he hugged me that time, I was scared because he might feel the pounding of my heart but instead, I felt his grief. After that minute-long hug, he forced a smile and told me that we should head back to the studio.
Nag-practice kami no'n at bumalik siya sa normal niyang personality pero alam kong pinipilit niya lang ang sarili niya. Pagkatapos ng practice ay agad siyang umalis at simula no'n ay hindi na ulit kami nagkita at nakapag-usap.
Dumiretso naman sa direksyon namin ang dalawang couples. I stole a glance at Kevin but we ended up meeting each other's eyes. I avoided his gaze because I suddenly remembered what happened the last time. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tumalikod na ulit ako pero nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Yna.
"Uy, something must've happened," she teased.
"Wala, huwag ka nga."
"Uy, defensive," saka niya ako tinawanan.
Pagdating nina Steff, Jess, Darryl at Patrick ay umupo agad sila sa table namin.
"Pagod na ako," Darryl grunted.
"Sinong hindi?" dagdag naman ni Patrick habang nakatingin sa mga daliri niya.
Right. 'Yong apat na Campus Prince ay nagsama-sama na naman para tumugtog. Kasama nila sina Kevin at Gisel. Ang busy pala ng taong 'yon ngayon.
"Kumusta pala exams?" tanong naman sa amin ni Steff at napairap ako dahil naalala ko na naman ang lecheng Calculus na 'yon.
"Oh, please don't remind us. I already moved on," sagot naman ni Yna.
"Buti ka pa naka-move on na, 'yong isa hindi pa," Jess chimed in while looking at me with a sly smile.
"Is this about Kevin?" dagdag pa ni Patrick.
"Oh. Nahulaan mo. Gumagaling ka na," sagot ni Jess.
Bakit ba nandito ang dalawang 'to? Ako pa ang napagtripan.
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?