"Alisson? Come here," tawag ni Mommy kaya inalis ko ang tingin sa babaeng 'yon.
"Yes, Mom."
Naglakad naman ako papunta sa table kung nasaan sina Mom and Dad pero sumulyap pa rin ako sa Mom ni Kevin at nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas at nagmadaling umupo.
"Aileen?" tawag niya kay Mommy.
"Kristina?"
Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahang magkakilala sila. Nang lumapit siya sa table namin ay ngumiti siya kina Mom and Dad at nang mabaling na sa akin ang atensyon niya ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. I ended up smiling awkwardly and she looked at me with curiosity.
"Your daughter?" tanong niya kay Mommy.
"Yes," Mom smiled. "I think halos magkasing-edad lang sila ng panganay mo. Tama ba?"
Pagkasabi no'n ni Mommy ay nagbago ang expression niya. There was a hint of uneasiness, as if she didn't expect to hear those words.
"Ah. Is that so?" she said with a forced smile.
"Kumusta na nga pala—"
"Aileen." Dad's tone was like an order so Mom immediately stopped talking. Mukhang naintindihan ni Dad ang sitwasyon kaya naman ngumiti siya kay Kristina.
"Sige pala, I have to go," sabi ni Kristina. "Nice meeting you here, Aileen, Joel. And you too," sabay tingin niya sa akin at doon ko na-realize na hindi pa pala ako nakakapagpakilala.
"Alice po," saka ako ngumiti at gano'n din ang ginawa niya.
"Alice."
Umalis naman siya pagkatapos no'n at napasandal ako sa upuan dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga in-expect na makikita ko siya at lalong hindi ko akalaing kilala siya nina Mommy at Daddy.
"Mom, kilala n'yo siya?" tanong ko nang maka-order na kami.
"Yes. That was Kristina Fuentez. College classmate siya ng Dad mo sa isang GE subject and naging sponsor din ang company nila dati ng conference na in-organize namin. Why? Do you know her, too?"
Hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko alam kung paano sasabihin. Ayaw ko rin namang ikwento ang buhay ni Kevin lalo na't nangako akong wala akong pagsasabihan no'n.
"Stop talking about her. She's not Kristina Fuentez anymore," sabi naman ni Dad kaya napatingin sa kanya si Mommy.
"What do you—wait. Kaya ba pinigilan mo ako kanina?"
Napabuntong-hininga naman si Dad at mukhang wala na siyang choice kundi sabihin sa amin ang alam niya, lalo pa't kinulit na siya ni Mommy. Ako naman, kunwari ay wala akong pakialam pero curious na curious na ako sa sasabihin niya.
"Matagal na silang hiwalay ni Albert at may sarili na rin siyang pamilya," panimula ni Dad at kita naman sa mukha ni Mommy ang gulat.
"Are you serious? Wait, paano mo nalaman 'to, Joel?"
"I met Albert few years ago and he told me about his situation. Mas gusto niya raw na wala na lang makaalam para hindi makaapekto sa sarili nilang business pati na rin sa mga anak nila."
Natahimik naman kaming tatlo pagkatapos sabihin 'yon ni Dad at bigla kong naalala si Kevin. Noong araw na nakita niya ang Mom niya sa isang documentary, kitang-kita ko ang lungkot at galit sa mga mata niya. Ngayong nasaksihan ko mismo kung paano sila hindi in-acknowledge ng Mom niya ay napagdesisyunan kong huwag na lang sabihin sa kanya ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?