"OMG! Seriously? Kilig!" sigaw ni Yna habang hinahampas ako nang paulit-ulit.
"Ouch! Yna!"
"Sorry, kilig lang ako," saka siya tumawa.
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon sa dance studio pero tuwing maaalala ko 'yon ay lagi akong kinikilig. One time nga, habang kumakain kami ay nakita ako ni Steff na nagpipigil ng ngiti kaya sinabihan niya ako na para akong may binabalak na masama.
"Did he really say that? I mean, those were the exact words?" Yna asked, her eyes twinkling in excitement.
"Ano ba," sabay pigil ko sa ngiti ko kaso hindi ko kaya. "Oo nga, nakabisado ko na nga, eh. Kainis na Kevin 'yon, landi-landi."
"Kilig!" saka niya ako hinampas ulit.
Buti na lang talaga at wala rito sina Jess at Steff dahil for sure ay mabubugbog ang katawan ko kung sabay-sabay naming pinag-usapan 'to. Sabagay, malapit na rin kasing mag-finals kaya paniguradong nagsusunog na naman ng kilay ang dalawang 'yon. May maintaining grade kasi sila at sayang ang benefits kung matatanggal sila sa top 10 ng batch.
Napatigil naman sa panghahampas si Yna nang tumunog ang phone niya. She suddenly smiled and when I was about to peek, she hid her phone at her back.
"Sino 'yan, ha?" I asked and she seemed flustered. Aba, may tinatago talaga sa amin ang babaeng 'to!
"N-nothing! Oh, look at the time! My class will start in a few minutes. Bye!"
Agad naman siyang nagligpit ng gamit at iniwan ako sa table. 'Pag nalaman ko talaga kung ano ang pinagkakaabalahan ni Yna, hindi ko siya titigilan sa pang-aasar. Sabihin ko kaya kay Kuya Xander para mas mabilis naming malaman kung sino? Hmm . . .
Napatigil naman ako sa pag-iisip nang mag-vibrate din ang phone ko. I saw Steff's name on the screen so I immediately answered the call.
"Nasaan ka?" bungad niya.
"Garden. Bakit?"
"Mag-aral ka na, ha? Remember, hindi ka na-exempt sa finals."
Alam ko namang concerned lang siya sa akin pero bakit kailangan gano'n ang paraan ng pagkakasabi niya? Inosente pero nakakasakit.
"Okay po, Mommy. After ng practice," sagot ko naman.
"May practice pa kayo?"
"Yeah. 'Di ba, after ng finals ang production kaya naghahabol kami."
"Okay, sige. Basta mag—"
"Oo na, oo na. Sige, bye."
Minsan nakaka-stress maging kaibigan 'tong si Steff. Well, actually, noong high school kami, mas strict siya sa amin ni Yna. Medyo naging lenient na nga siya ngayong college pero nakaka-stress pa rin. Buti sana kung kasingtalino niya kami.
Dumiretso naman ako sa dance studio para sa pratice at habang papunta ako ro'n ay sobra akong kinakabahan. Pagkatapos kasi ng evaluation namin noong nakaraan ay hindi na kami nagkita ni Kevin dahil mukhang busy ang schedule niya.
"Als!"
Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Jon sa gilid. Doon ko naman napansin ang ilang babae sa daan na nakatingin sa kanya kaya tinitigan ko siya.
"Sapakin kaya kita? Ginagamit mo lang ako para makapunta sa studio, eh."
"Galing mo talaga," sabay tapik niya sa balikat ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainsulto dahil ako lang ang babaeng kaya niyang tratuhin nang ganito. Takot siya sa babae pero sa akin hindi. Ibig sabihin ba hindi niya ako nakikita bilang babae?
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?