Chapter 17

96.4K 3.2K 784
                                    


"Kumusta naman ang dance practice?" pang-aasar ni Jon matapos ang practice ng new members.

"Sige, mang-asar ka pa," saka ko siya sinamaan ng tingin pero nginitian niya lang ako nang nakakaloko.

"Balita ko ang dami mo raw mali. Epekto niya ba 'yan?"

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina. Binigyan kasi kami ng isang routine at kailangan namin 'yong makabisado ngayong araw at i-pe-perform namin sa Monday sa harap ng members at officers. Kuya Jasper taught us the choreography and I was doing well in the first half but Kevin suddenly barged in the dance room, saying that he wanted to watch the new members. Of course, the girls were mesmerized when Kevin learned the dance just by looking at Kuya Jasper several times.

"I'm looking forward to your performance so practice hard," he said while smiling at us and several girls giggled. Lakas talaga ng appeal nito. Nakakainis. Kung pwede lang sabihin na huwag siyang magpa-cute sa ibang babae, eh.

Akala ko talaga ay aalis na siya pero umupo lang siya sa harapan at mino-monitor niya kami. Lalo lang akong na-conscious dahil kapag susulyap ako ng tingin sa kanya ay nahuhuli niya ako at ngumingiti siya nang nakakaloko kaya hindi ako makapag-concentrate. Worse was, he kept on chuckling whenever I make mistakes. In the end, Kuya Jasper told me that I should practice the most because of my performance.

Pagkatapos akong asarin ni Jon ay nagpaalam siya dahil may gagawin pa raw siya kaya nagpalit agad ako ng damit dahil balak ko nang umuwi. Paglabas ko sa change room ay nagulat ako dahil nandoon si Kevin.

"Hi," he greeted while smirking. I rolled my eyes in return. "Wow, galit?"

'Di ko siya pinansin dahil kasalanan niya kaya ako nasabihan kanina. May pangiti-ngiti pa kasi siyang nalalaman kanina, eh isa 'yon sa mga kahinaan ko. Kung alam niya lang kung gaano ako nagpanic kanina.

Naglakad ako palabas ng studio at nakita ko naman siya sa gilid ko. Sinabayan niya akong maglakad pero 'di ko pa rin siya pinapansin pero napatigil ako nang makita kong ang dilim na sa labas. Sabagay, halos three hours din kaming nag-practice.

Habang naglalakad ay nakita kong ang daming napapatingin sa amin at siguradong dahil 'yon kay Kevin. He's known because of his stylish fashion but right now, with his plain white shirt and jeans, students were quite taken aback but I could see the awe in their eyes. Personally, I find him more appealing with this kind of clothes.

"Bakit ka ba sumusunod?" I asked and I wondered if he heard how my voice cracked. When I turned to his direction, I swear he looked like glowing. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pagngiti niya at hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa white shirt niya o sadyang malinaw lang ang mga mata ko.

"Uuwi ka na ba?"

"Yeah."

Balak ko sanang mag-taxi na lang pero bigla ko namang naalala ang nangyari kay Steff noong first year college kami. Na-imagine ko tuloy ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon at nakaramdam ako ng takot.

"Why?" tanong niya nang bigla ako ulit lumingon sa kanya.

"U-uuwi ka na rin ba?"

"Bakit? Sasabay ka?" then he flashed a teasing smile. Kumabog nang malakas ang puso ko at muntik pa akong mabulunan dahil 'yon ang balak kong sabihin pero dahil din do'n ay nagbago ang isip ko.

"H-ha! Ewan ko sa'yo—!"

Tumalikod ako pero napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya na lang akong inakbayan. Naramdaman ko ang bigat ng braso niya pero hindi naman ako makapag-react dahil hindi ko alam ang gagawin.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon