Chapter 38

65K 2.1K 209
                                    

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa bahay. Nasa kamay ko lang ang phone ko at nagbabakasakaling tumawag ang isa kina Dad o Kevin pero halos isang oras na akong naghihintay at wala pa ring nangyayari. When Dad said Kevin was in the company building, the first thing I thought was that he'd apologize. Pero iba rin talaga ang nagagawa ng overthinking dahil ang dami ko nang naiisip na pwedeng mangyari kapag nagkita sila.

I was pacing back and forth in the living room when my phone lit up. Natataranta kong binuksan 'yon at bumungad sa akin ang message ni Dad.

Café de Legere. Now.

Pagkabasa ko no'n ay nagmadali akong magbihis. Ilang minuto pa ay dumating na ang na-book kong sasakyan at agad akong sumakay roon. Ten minutes away ang café na 'yon mula sa subdivision at walking distance naman mula sa company building nina Dad.

Napatingin ulit ako sa phone ko pero walang kahit anong message mula kay Kevin kaya lalo akong kinabahan. My god, ano kayang pinag-uusapan ng dalawang 'yon? Hala, paano kung lalong lumala ang sitwasyon? Pareho pa namang mataas ang pride ng dalawang 'yon at pakiramdam ko ay sobrang taas ng tension kapag pumunta ako kung nasaan sila.

After several minutes, I arrived in front of the café but I just stood outside, scared of what could happen. Ilang malalim na paghinga rin ang nagawa ko bago ako magkaroon ng lakas ng loob na pumasok.

Even though they were on a corner, my eyes easily spotted them but I halted when I saw Dad smiling warmly and based on Kevin's body movement, it seemed like he was chuckling. Teka, tama ba ang nakikita o nagha-hallucinate lang ako?

Dad's eyes met mine and I flinched when he gestured me to come closer.

Huwag kang lumingon. Huwag kang lumingon, I chanted as I stared at Kevin's back pero kung kalian malapit na ako ay saka siya tumingin sa direksyon ko. He looked straight into my eyes and flashed a heart-fluttering smile.

Napaiwas agad ako ng tingin at umupo sa tabi ni Dad. Kainis, akala ko kahit papaano ay mababawasan ang effectiveness no'n sa akin. Bakit parang lalong lumala? Muntik ko na siyang mapatawad sa lahat ng ginawa niya. Napainom tuloy ako bigla ng tubig.

"He said he's courting you again."

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko nang sabihin 'yon ni Dad at tuluyan na akong nasamid nang makita ko ang nakakalokong pagngiti ni Kevin.

"Are you okay, Alisson?" Dad asked as if he wasn't the reason for that.

"I'm just about to tell her that, Sir," dagdag ni Kevin at hindi ko alam kung bakit ako lang ang nahihiya at gustong lumubog sa lupa ngayon din.

"Oh, I see."

Oh my god, bakit parang close na sila?! What happened between them?! Anong pinag-usapan nila habang wala ako?

"I should go," Dad said and he stood up right after. "I have a meeting in ten minutes."

"Wait, Dad—!"

"I'll leave her to you," sabay tingin niya kay Kevin nang seryoso at tumango naman si Kevin. "Alisson, umuwi ka nang maaga."

After that ay naglakad na siya palabas ng café at naiwan kaming dalawa ni Kevin kaya lalo akong kinabahan.

"May order ka na ba?" tanong ni Kevin.

"Ah, I . . . I'll order—"

"Ako na."

Pinigilan niya akong tumayo. He insisted on taking my order so I told him what I want. Pinanood ko lang siya habang naglalakad siya papunta sa counter. I still couldn't believe that we were talking again. Ilang weeks din ang nagdaan na wala kaming kahit anong form of communication, tapos biglang pagbalik namin ng campus ay may gano'n siyang pakulo. Ako naman, ang daling mahulog sa mga patibong niya. Minsan, nakakainis na rin 'pag ikaw ang na-fall nang sobra, eh.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon