Sobrang kinakabahan ako.
Buong araw yata akong wala sa sarili at kahit kausapin ako nina Steff ay wala akong matinong maisagot. Wala rin akong naintindihan sa mga sinabi ng prof ko kanina. Grabe ang epekto ng dance showdown sa akin.
Katatapos lang ng morning classes ko at ito pa naman ang araw na wala akong kahit sinong kasabay sa tatlo kapag lunch dahil lahat sila ay may klase. Naglakad na lang ako sa cafeteria ng building para kumain dahil gutom na gutom na ako. Bakit ba kasi hindi ako kumain kaninang breakfast?
Pagpasok ko sa cafeteria ay ang daming tao kaya parang nawalan na ako ng pag-asa pero sakto namang nagkatinginan kami ni Jon.
"Als!" He raised his hand and I walked toward him. "Kakain ka pa lang din?"
"Oo," I said, sitting in front of him.
"Ano? Ready ka na ba mamaya?" tanong niya habang nakangisi.
"Hindi pa." I hunched my body on the table. "Kainis! Feeling ko makakalimutan ko lahat ng steps mamaya."
"Bakit naman? Hindi ba nagpractice naman kayo ng Kevin mo?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagsisimula na naman siya sa pang-aasar.
"Isa pa 'yon!" Naalala ko bigla ang nangyari last Saturday. My almost-first kiss, his intense yet heartwarming gaze, those teasing smiles . . . ugh! Tama na, Alice! Huwag no nang alalahanin ang mga 'yon kung gusto mo pang mabuhay mamaya!
"Oh. Seems like something good happened," he teased while looking at me suspiciously. "You're blushing, Als."
"Shut up, Jon. Bili ka na food natin. Remember, libre mo ako ng one month, right?"
"Aww shit. Oo nga pala," sabay tingin niya sa akin at sa wallet niya. Sinipa ko nga. Anong akala niya, uubusin ko pera niya?
Tumayo naman siya para bumili at ako ay nagstay sa table namin. Nilabas ko ang phone ko para pakinggan ulit ang tugtog namin ni Kevin pero hindi talaga ako makapagfocus. Bigla kong naalala ang pagkahiya ni Kevin no'ng sinabi niyang favorite niya si Baby Sylvester at ngingiti na sana ako pero naudlot 'yon dahil sa nakita ko.
"Kev! Here!"
Kevin entered the cafeteria and walked toward the two girls who called him. Nakangiti pa ang loko.
Napabuntong-hininga ako. Alam ko namang wala akong karapatang magselos nang harap-harapan pero kasi nakakabastos 'tong lalaking 'to eh. Pinanganak na malandi. Ang dami ko tuloy kaagaw.
Mukhang hindi naman niya ako nakita kaya sinundan ko lang siya ng tingin at agad kong nilabas ang phone ko para i-text si Yna.
Ya, do you know these leeches?
I sent the text, together with the photo I had secretly taken few seconds ago. After a minute or two, Yna finally replied.
Yup. Second years, like us. The taller one is a daughter of an actress.
Pagkabasa ko no'n ay napalingon ulit ako sa direksyon nila pero kumunot ang noo ko no'ng nakita kong nakaangkla ang braso ng isa kay Kevin. At aba, ang lalaking 'yon, nakuha pang kumindat sa kanya!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at palihim na naglakad papunta sa kanila at nagkunwaring may kausap sa phone.
"Oh. Yeah," I loudly said, getting the attention of Kevin. "Naaalala mo pa ba 'yon? Childhood memories! Lalo na 'yong Baby Looney Tunes!"
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen FictionKingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?