Hindi ako makahinga nang maayos at lalong hindi ako makapagsalita. I couldn't believe what just happened.
Tahimik na nagda-drive si Kevin habang ako naman ay nababaliw na sa kaba sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa sitwasyon na 'to. Aside from that awkward encounter a while ago, the atmosphere between us in this closed space made the tension more suffocating.
"Kumain ka na ba?" bigla niyang tanong kaya nagulat ako.
"H-ha? P-pagkain?"
Hindi ko na masabi nang maayos ang mga salita ko dahil sa sobrang kaba. I gripped the seatbelt to calm my nerves but it didn't help. Worse, Kevin was chucking, as if he was enjoying my suffering. Bwisit kang pa-fall ka, masyado ka na!
Binuksan ko na lang ang bintana niya at tumingin sa labas. At least, medyo nakakahinga na ako.
"Kain muna tayo," sabi niya kaya napalingon ako pero tinitigan ko lang siya. "Gutom na ako, eh. Ikaw ba? 'Di ka pa ba nagugutom?"
"Uhm, h-hindi pwede," sagot ko naman.
"Bakit?"
"Dinner."
Ang gusto ko sanang sabihin ay may dinner kami ng family ko pero 'di ko masabi nang diretso dahil sa kaba. Kung anu-ano pa ang tumatakbo sa isip ko at kapag nagsasalita siya ay naaalala ko ang sinabi niya kay Kuya Xander kaya lalo akong hindi makapag-focus.
"Dinner with whom?" tanong niya.
"My parents," sagot ko at natahimik siya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa pagitan namin at hindi ko alam kung naging mas awkward ba o nasanay na ako sa pakiramdam. Pero agad din 'yong nawala nang magsalita ulit siya.
"By the way, nice act," he suddenly said and when I glanced at him, a smirk was already pasted on his face.
"H-ha?" tanong ko naman kahit na may idea na ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Oh my gosh, don't tell me . . .
Tumingin naman siya sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. Lalo akong kinabahan kaya nilayo ko ang sarili ko sa kanya habang pigil-hiningang hinihintay ang sasabihin niya.
"Let me remind you that I'm one of the top students of our batch," sabi niya. "I'm quick to catch on things."
Naka-ilang OMG na ako sa utak ko dahil sa sinabi niya at gusto ko na lang lumubog sa sobrang hiya. So tama nga ang hinala ko? Alam niya? Pero paano? Masyado bang halata?
"Boyfriend pala, ha?" sabay ngiti niya.
"Manahimik ka," sabi ko naman habang nakatingin sa labas dahil hiyang-hiya na ako.
Habang nagda-drive ay naririnig ko ang mahina niyang pagtawa kaya hindi ko na alam ang dapat kong i-react. Kung pwede nga lang magpababa na lang bigla pero nasa highway kami. Sinaksak ko na lang ang earphones sa tenga ko at nagpatugtog nang malakas para wala akong marinig na kahit ano mula sa kanya.
After a few minutes, nakakita siya ng fast food restaurant at napatingin siya sa akin. Mukhang gutom na talaga siya kaya naman pumayag akong mag-drive thru kami. Umorder siya ng food niya at ang loko, kinindatan pa ang cashier. Inirapan ko na lang siya kahit hindi nakatingin dahil sa ginawa niya. Hay naku, ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking 'to?
Pero umaasa pa rin naman ako kahit gano'n lagi ang nakikita ko. Hay, Alice.
Binagalan naman niya ang pagpapatakbo para makain niya ang burger na hawak niya sa isa niyang kamay. Ako naman, binuksan ko ang phone ko para i-check kung ano na ang nangyayari. As expected, ang daming notifications. Ang daldal talaga ni Yna!
BINABASA MO ANG
Crowned Princess (Kingdom University, #3)
Teen Fiction𝗞𝗶𝗻𝗴𝗱𝗼𝗺 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?