dedicated po sa kanya. para sa collection ng COVER na ginawa nya. hahaha
JANINE'S POV:
Naging maayos naman ang gala namin sa TARLAC. Hindi na din ako umasa na kausap pa ako ni ETHAN, masasaktan lang ako. Nung malowbat sya nung pauwi kami ako naman ang nag suot ng headset. Ako naman ang nagbusybusyhan, kahit ang sakit na sa tenga ng paulit ulit na kanta mas OK na yun kesa umasa na kausapin nya, na umasa na pansinin nya.
Masarap sana sa pakiramdam na sumaksi sa isang kasal kung yung lalaking pinapangarap mo eh nangangarap din na sana balang araw mangyayari din sa inyo yung nasasaksihan nyo. Pero hindi eh, sa sakit na nararamdaman mo parang ayaw mo munang maniwala sa KASAL. Kasi anong silbi ng salitang KASAL kung hindi lang naman din sya yng makakatabi mo sa araw na mangyayari yun.
Kaya simula sa seremonya ng KASAL, hanggang sa pag uwi dala dala ko yung bigat sa dibdin ko. Ang hirap naman kasing magmahal sa isang taong IMPOSIBLE ka ding MAHALIN.
Nasa school na ako ngayon, same school kami ni ETHAN, Batangas State University. Si Kuya kasi Electronics and Communication Engineering ang course kaya sila naging magkabarkada ni ETHAN kasi magkaklase sila nung general engineering. Third Year lang sila naghiwalay kasi nga mag kaiba sila ng major.
Ang masaklap pa sa mga pangyayari sa akin wala talagang choice na iwasan ko sya kasi madadaanan ko yung room nina ETHAN bago ako makapunta sa room namin. At ngayon nakatambay na naman yung barkada nila sa corridor. Nagrarate ng mga babaeng dumadaan. HOBBY na nila yan. 10 ang pinakamaganda, syempre 1 ang pinakapangit. Ayaw ko sanang dumaan eh di ba wala nga akong choice kundi dumaan don. hay
"8"
sabi ng isang classmate ni ETHAN. 8 na rate nya dun eh hindi naman kagandahan. Parang tinalo ko pa ata yun sa MS. ENGINEERING nung first year ako tas 8??
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?