dedicated po kay KristinaIsabelle.
JANINE'S POV:
Wala na naman kami masyadong napag usapan ni ETHAN, ano pa ang pag uusapan don eh pumayag na ako na KAMI na nga. Parang lahat ng dapat kong ipag alala nawala na lang bigla nung pumayag ako na maging LEGAL kami.
"tutulog na ako, puntahan mo na sila"
Kahit hindi pa naman ako inaantok kailangan na din nyang lumabas ng kwarto ko. Baka kasi biglang magising si Kuya, ano na lang iisipin nya na andito si Ethan sa kwarto ko?
"dito na lang ako, promise bago mag 5 am lalabas ako ng kwarto mo.. please"
"ang adik mo din, gusto mo talagang mabugbog noh? konting ingat naman ETHAN.."
"HAHAHA huwag mo ngang isipin na laging mahuhuli tayo? paano tayo mag eenjoy nyan kung puro takot yang nasa isip mo? basta dito ako matutulog"
Wala na akong nagawa ng humiga na sya sa KAMA ko. Wala din akong choice kundi tumabi sa kanya? Janine napipilitan ka nga lang bang tumabi? Pagkahigang pagkahiga ko niyakap na nya ako.
Masarap lang sa pakiramdam na ganito kami, na yakap yakap nya ako. Pero hindi ko pwedeng alisin sa isip ko na wala kaming problema.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?