37-Lahat lahat

57.5K 731 119
                                    

ETHAN's POV: 

Pagising ko wala na sa tabi ko si Janine. Medyo tinanghali kasi ako ng gising kasi kadarating ko lang din kahapon ng dumiretso ako kayna Janine kaya pagod na pagod talaga ako.

Mahimbing pa ang tulog ko kasi yakap yakap ko sya kagabi. Naligo lang ako saglit at bumaba na din. Andun ang mahal ko sa kusina, abalang abala. Seryosong seryoso. 

"morning" 

Mabilis ko syang hinalikan san labi tas yinakap ko sya. Parang ang sarap ng umaga pag ganito. 

"ang aga mo atang gumising?" 

"naghanda kasi ako ng breakfast natin " 

Noon ko lang napansin yung mga nakahain sa lamesa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung matatawa ba ako? Sige na nga matatawa na ako.hehehe 

"instant noodles?n Instant coffee? kailangan talagang gumising ka pa ng maaga janine?hahaha" 

"ang sama mo, matagal kayang magpainit ng tubig. Saka mas maganda daw mag painit ng tubig sa madaling araw kasi malamig pa ng oras na yun. Di ba nakakaapekto ang temperature ng sorroundings sa boiling pt ng tubig. Kaya nga mas mabilis kumulo kung nasa Baguio ka kesa sa ibang lugar." 

"HAHAHA ang dami mong sinabi, OK lang naman sa akin na ito lang ang almusal natin, pero huwag mo na ulit uulitin kung hindi ka naman sanay.. hindi mo naman kailangang mag paimpress o pagsilbihan ako, MINAHAL kita kung ano ka.. marunong ka man magluto o hindi. Hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na ito.. at ayaw ko sa lahat na masasaktan ka ng dahil sa akin" 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon