JANiNE'S POV:
"HOY PRINCESS!! LUMABAS NA KAYO DYAN AYAW KO PANG MAGKAPAMANGKIN!!"
Ang adik lang ni KUYA JOSEPH, as if naman na gagawa kami ng pamangkin nya dito sa kwarto ko.At kumpleto pa sila dito sa bahay. Ang galing na namin.harhar
Napangiti lang si ETHAN. Ang adik din ng isang to. Ngiti ka ngiti dyan eh hindi mo pa nga ako kinikiss. Ang adik mo lang.
"tara na sa baba, andyan din sina mommy at daddy..namiss ka din nila. Bakit daw hindi ka din nagpakita sa kanila sa loob ng dalawang taon?"
"nahihiya kasi ako.. ang kapal naman ng mukha ko na makipagkita sa kanila eh ako ang dahilan kung bakit lumayo ang nag iisang anak nila"
"ano ka ba.. naiintindihan naman nila yun, lalo ni daddy. Saka miss na miss ka tuloy ni mommy. Mas miss ka pa nya ata kesa sa akin eh"
"miss ko din naman si tita..tara na sa baba"
Bago pa ako makalabas ng pinto ng kwarto ko, hinawakan nya yung kamay ko.
"Ako hindi mo namiss?"
"hindi kita namiss"
Sobrang namiss lang. Sobra sobra ko talaga syang namiss.
"Ganun,samantalang ako hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa singapore"
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?