JANINE'S POV:
Graduate na si ETHAN. Syempre graduate na din si KUYA. Ewan ko ba sa magkaibigan na yan. Gwapo na. Matalino pa. After ng PROM hindi ako nilalapitan ni ETHAN pag nasa school kami. OO kahit papaano umaasa pa din ako na sana hindi na lang sya umalis.
Pero dahil sa ginagawa nya lalong pag iwas tas lagi pa nyang kasama si Missy mas lalo lang nawala ang pag asa ko na pwede pang magbago ang desisyon nya. Pero sana di ba? Hindi ko naman papabayaan ang pag aaral ko basta alam ko na andyan sya.
Andito kami sa bahay nila ngayon, may konting salo salo lang kasi graduate na si ETHAN at dahil bestfriend nya si KUYA imbitado kaming lahat. Ayaw ko sanang pumunta kaso mismong mommy nya ang nag invite sa akin.
Paano naman ako tatanggi nun? Ang bait bait pa naman ni Tita.
"Janine.. kamusta ka na iha.. 4th year ka na sa pasukan di ba?"
"Yes Tita."
"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?"
Medyo nabigla naman ako sa tanong ng daddy ni ETHAN. Family lang naman namin yung invited dito. Kakagulat lang yung tanong kasi kaharap sina Mama at Papa. Tas ang gwapo lang ng daddy ni ETHAN.. kamukha sya ni Chris Tiu. Crush na Crush ko talaga yun. Grabe lungs.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Alangan namang sabihin ko na EX GIRLFRIEND? Ni hindi nga alam nina Mama at Papa na naging KAMI. Si ETHAN naman pangiti ngiti lang sa tabi ko. Bigwasan ko to eh. So ano na Janine?
"Opo Tito Boyfriend nga po ni UTOL yang si ETHAN.. nakalusot sa akin eh..hahaha"
Nagulat ako sa sinabi ni KUYA JOSEPH. Pumapayag na ba sya? Nagulat din sina Mama at Papa. Sana nga totoo yung sinasabi nya. Sana lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/959755-288-k273154.jpg)
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?