JANiNE'S POV:
4th year na ako. Parang kailan lang 1st year lang ako nung una ko syang nakita. Itinuloy ni ETHAN ang pagkuha ng board exam. Kahit hindi naman ako makibalita nagkukusa na silang sabihin sa akin.
Nalaman ko din na nung puntahan nya ako sa Muntinlupa nun kasama nya sina tito at tita. Nakakahiya lang kasi sinaktan ko ang anak nila. Halos magdamag din akong umiyak noon. Parang gusto kong bawiin yung mga sinabi ko sa kanya.
Pero wala na din naman magagawa yun, pareho na kaming nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nakabuti din naman kay ETHAN kasi nagawa nya yung mga dapat gawin nya sa buhay. Nakapasa sya sa Board Exam, Top 3 sya.
Kaya nga hindi din nahirapan na makahanap sya ng trabaho sa Singapore.
Gusto sana nya na magkita kami bago sya umalis nun pero hindi ako pumayag. Ayaw ko na syang makita kasi panibagong sakit na naman yun pagnagkataon baka hindi ko na kayanin pa.
Baka pigilan ko na syang umalis.
Hindi na din ako nagbubukas ng facebook kasi baka masaktan lang ako. Masaktan kasi baka may message sa akin at makita ko yung mukha nya sa mga picture na iuupload nya o masaktan kasi baka kahit anong pagpaparamdam hindi nya gawin. Kaya kung pwede lang na iclose account ko yun gagawin ko.
"Sorry Im late.. kanina ka pa dyan?"
"hindi naman dumaan pa din naman ako sa library.. tara na"
Hindi ko na hinintay na ipagbukas pa ako ni ERIC ng pinto ng sasakyan nya. Tama si ERIC. Simula nung pasukan halos araw araw nya akong sinusundo.
Minsan gumagala ng kaunti, minsan sa bahay lang kami tumatambay. Nag eenjoy naman ako sa company nya kaya nakakalimutan ko minsan sya.
Pero hindi naman nanliligaw si ERIC, hindi naman sya nagsasabi din at hindi pa din ako handa na tumanggap ng seryosong manliligaw ngayon.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?