dedicated po kay BlackLily.. dahil sweswertehin daw ang mag uupdate ngayon kaya nag UPDATE ako..hahaha at nagpabola naman daw ako..hehehe adik lang.. Ganyan ang nanghihingi ng UPDATE guys.. yung mapapangiti ka,.. hindi yung napaikling " update na..."
JANINE'S POV:
Kinaumagahan hinatid na ako ni ETHAN sa bahay, kung itatanong nyo kung ano pa nangyari after nung KISS.. ayieee KISS.hahaha Isang movie pa pinanuod namin tas natulog na kami. AKO sa kama tas SYA dun sa sofa. Hindi ko din naman gusto na magkatabi kaming matulog. Panget pa din naman kasi yung tingnan.
At kahit ba nagpaHALIK ako.. o Hinalikan nya ako. At nagHALIKan kami. At kailangan ko talagang ulitin yung word na HALIK..hahaha mainggit ang maiinggit.hahaha Sa isip ko lang naman malakas ang loob ko na halayin si ETHAN.
"So pano.. salamat po"
"hindi mo man lang ako pagkakapehin?"
"sabi ko nga.. anong gusto mo with cream o black coffee?"
" ikaw bahala.. tiwala naman ako sa TASTE mo"
"hahaha ang aga aga ETHAN.. bumabanat ka na naman"
Since ako daw ang bahala,kumuha ako ng 3 in 1 na kape. Kaya pala kahit anong pilit ko na magkape sya kanina eh ayaw nya dito pala nya balak magkape. Eh ang sarap kayang isabaw ang KAPE sa friedrice. TAPSILOG kasi almusal namin kanina. Hindi naman talaga ako umiinom ng KAPE.. isinasabaw ko lang sya at sinasawsawan ng pandesal.. AKO na ang batanggenyang hindi umiinum ng KAPE,..hahaha
Bakit 3 in 1 ang tinimpla ko? Eh hindi kasi ako marunong magtantya ng paglalagay ng asukal..ako na ang walang alam ultimo pagtitimpla ng kape.. sorry naman daw.. Kahit sa gatas at MILO hindi talaga ako naglalagay ng sugar. Sabihin na natin na mahina talaga ako sa matamis at sabihin na natin na ang kasweetan lang ni ETHAN ang tinatnggap ng sistema ko..ansabeh?hahahaha
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?