Dedicated kay Mae dahil ito pala ang binabasa mo. hehehe SiLi shrek,hehehe
ETHAN'S POV:
Sinamahan ko si Janine sa school para mag ayos ng clearance, eh kasi sinabi lang na nakagraduate pero ang dami pa ding aasikasuhin. Kaya sa halip na magsasaya ka after graduation kailangan mo pang bumalik sa school. At sa halip na magdadate na kami ni Janine kailangan pa nyang bumalik dito.
"Hi Kuya ETHAN"
Ngumingiti lang ako sa mga bumabati sa akin..magkasabay kami ni Janine na maglakad. Medyo madami dami sila.. sabagay sikat naman talaga ako dati. Siguro mga ka batch ni janine sila kaya kilala ako. Medyo yung iba hindi ko na pinapansin kasi si Janine seryoso na yung mukha nya habang naglalakad kami. Nagseselos na girlfriend ko.Hinawakan ko ang kamay nya. Yung mga babae nagulat lang.. first time nila kasi kami nakita ni Janine na ganito. Si janine ngumiti lang sa akin.
Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Na malaya ko ng maipapakita ang pagmamahal ko sa kanya. At para maipakita din sa kanila na si JANINE na nag mamay ari sa akin. SYA LANG.
"dami mong fans.."
"HAHAHA.. yaan mo sila basta ako ang number 1 fan mo"
"hindi kaya ikaw.. si SiLi_jr hahaha"
"kaya nga.. ako kaya yun"
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?