dedicated po sa kanya. Nakakatuwa lang yung comment nya. Inunahan pang kiligin kesa kay Janine. hehehe Guys hindi man ako nagrereply sa mga comment.. binabasa ko naman po yung mga yun.
JANINE'S POV:
Hinila na ako ni Ethan palayo kay Eric. Parang gusto kong isipin na gusto nya talaga akong ilayo kay Eric, yung hindi literal na ilayo. Yung para bang gusto nya na sa KANYA lang ako. Ang assuming ko na masyado.hahaha Si ETHAN JACOB VALERO? Gugustuhin ba kaya nya yun?
Pero sabi nya BOYFRIEND ko daw sya? Ang Feeler naman nya? hahaha pero ayoko na talaga mag aasume masydo kasi kinikilig ako ng bonggang bongga. Grabe lang. Kanina lang nagulat ako sa pagsulpot ni Eric, hindi pa nga ako nakakarecover na nakita ko ulit sya bigla naman akong bibiglain ni ETHAN sa sinabi nya na BOYFRIEND ko daw sya. Hindi ko tuloy napaghandaan yung rumaragasang kilig na nararamdaman ko ngayon. at talagang rumaragasa? Kayo ba pano no ipapaliwanag yung OVERFLOWING kong kilig na nararamdaman ko ngayon? Ayieeee ang hirap lang.
"hoy ETHAN san mo ba ako dadalhin? hila ka ng hila"
"sa puso ko.."
"ano?"
Hindi ko kasi masyadong narinig kasi ang iingay ng mga sasakyan. Narinig ko ng kaunti pero ayaw tanggapin ng sistema ko na yun nga yung narinig ko. Baka nabibingi lang ako. Nakakabingi ba talaga ang ma inlove? ayieeee parang habambuhay ata akong magiging bingi pan nagkataon. Kasi wala naman akong planong itigil kung ano man ang nararamdaman ko para sa lalaking snatcher na to. Magkano bang hearing aide?. haha Kung makahila parang snatcher lang na hinila ako kung kanina. Tas snatcher pa sya kasi yung puso ko hindi ko namalayan na nasa kanya na pala. ansabeh? hahaha
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?