Bakit ganun pag ayaw kong mag update bibigyan nyo naman ako ng sobrang daming votes at comment. Napipiltan tuloy akong mag update agad. Ang hiya ko na lang.HAHAHA FanFIC ni ETHAN.. banda banda dyan. hehe Wala lang tong update na to.sorry.
JANINE'S POV:
5th year na ako. Isang taon na lang JANINE. Syempre naghihintay ako sa pagbabalik nya. Kahit hindi sya nakikipagcommunicate OK lang basta hihintayin ko sya. Buti kahit papano nalilibang ako sa wattpad, may lagi din kasi akong nakakausap dun.
Hindi ko alam pero masaya ako pag kausap ko sya. O maraming bagay lang tungkol sa kanya ang nakakapagpapaalala sa akin kay ETHAN.
Sino naman kasi ang lalaki tas Engineer pa ang magtiyatiyaga dito sa wattpad? Kaya tuwang tuwa ako sa kanya nung may dinedicate syang tula sa akin. Hindi ko tuloy napigilan na iFAN sya. Hindi naman sa nahuhulog ako sa kanya, masama bang matuwa sa mga bagay na ginagawa nya?
Naalala ko lang nung 4th year ako. May pagkakataon sana na sa Singapore ako mag OJT kaso tumanggi ako. Ayaw kong sumira sa pinag usapan namin.
Baka makagulo lang ako sa kanya kung pupuntahan ko sya sa singapore o posibleng hindi na ako bumalik kung pupuntahan ko man sya.
Kaya mas pinili kong manatili dito sa Pilipinas.
Si ERIC hindi na sya masyadong lumalalpit sa akin. Nung nagtapat sya na MAHAL nya pa din ako, Tinapat ko na din sya nung oras ding yun na MAGHIHINTAY AKO SA PAGBABALIK NI ETHAN.
Kaya dumistansya na sya after nun kasi masasaktan lang sya kung si ETHAN lang ang lagi kong bukambibig.
Pinagbuti ko pa lalo ang pag aaral ko kasi gusto ko pag bumalik sya maipagmamalaki nya. Na karapat dapat ako sa kanya.
"bakla, ang lalim na naman ng iniisip mo.. ay hindi pala ang layo na naman ng iniisp mo? nasa singapore na naman ang utak mo"
Magkagroup kami ni CJ sa thesis. Thesis I pa lang naman kami ngayong 5th year first sem, cahpter 1-3 pa lang ang gagawin namin. Iba pa pala yung sa Design.
"hindi lang utak ko ang nasa SINGAPORE.. pati PUSO ko"
"Ang CORNY mo BAKLA.. magsama kayo ni ETHAN.. gagawin ko kayong POPCORN.. CHEESE ang flavor..HAHAHA"
"HAHAHA ayaw ko ng POPCORN.. PUMUPUTOK yun"
"AYAW MO BA NG NAPUPUTUKAN?HAHAHA?"
"AYAW.. MAGUGULATIN AKO"
"hindi yun nakakagulat..HAHAHAHA"
"HOY SHREK na NAGLULUMOT ANG UTAK AT BUONG KATAWAN.. Umayos ka CJ!!"
"HAHAHA Maayos naman ako, wala naman akong sakit"
"meron kang sakit.. malala na ang sakit mo sa utak.. ipapasok na kita sa mental"
"hahaha bawal na ako du.. over qualified daw ako.. kaya nga ako pinalabas dun eh.. Pero ok na BALIW ako.. na hindi matino ang pag iisip kesa naman yung isang bata dyan BALIW sa isang LALAKI..HAHAHA "
"ADIK MO TALAGA!!!"
Lumayo na sya sa akin kasi baka mahampas ko lang sya. Ano ba ang iniexpect nyo sa utak ng mga Engineering Student. OO medyo NATURE LOVER din ako. Pero SI CJ grabe talaga ang utak noon.
Minsan hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng utak nya sa kaberdehan.
Dati naman akong nakakasabay sa kanya pero ngayon SABAW ang UTAK ko sa KABERDEHAN. Dahil ba si Ethan lang ang naiisip ko ngayon? Naapektuhan ba ang pagiging NATURE LOVER ko dahil sa kaakisip ko sa kanya? Pero OK lang naman sa akin yun.
Baka naiipon lang sya UTAK ko ngayon pag andito na sya BABALIK na ulit sa katinuan ang UTAK ko.. Ang pagiging NATURE LOVER ko na nawala dahil sa kakaisip ko kay ETHAN. Kaya CJ humanda ka lang, lagot ka sa akin pa naactivate na ulit ang pagiging GREEN MINDED ko.HAHAHAHA
_casper_
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?