POV muna ni JANINE para sa succeeding updates.hahaha Mamimiss nyo si ETHAN.sa akin muna sya.harhar
JANINE'S POV:
Ilang araw na ba nung sinabi NYA na ITIGIL NA NAMIN 'TO? Limang araw na pala.. Limang Araw at Apat na buwan na pala yung nakalipas mula nung sinabi nya yun. February na ngayon, Hindi ko alam kung paano dumaan ang pasko at bagong taon na kailangang kung magsaya habang nagdurugo ang puso ko.
Hindi pa din kami nag iimikan ni KUYA JOSEPH, willing naman akong mag sorry sa kanya dahil sa paglilihim ko pero sya yung lumalayo sa akin. Pero sana man lang di ba kahit papaano dinamayan nya ako?
OO may kasalanan ako..
pero NASAKTAN din naman ako..
SOBRANG SAKIT NGA pero WALA akong mapagsabihan.
Yun din ang kagandahan ng PATAGONG RELASYON namin ni ETHAN.. Malay ba nila na BREAK NA PALA KAMI? Kaya nakakakilos pa din ako ng NORMAL sa school.
Kahit si CJ hindi nya alam kung anong nangyari. Mas OK ng ganito na wala syang alam para hindi nya ako KAAWAAN.
"JANINE.. alam mo ba na pagsasamahin daw ang JS PROM ng CoE at EE.. kasi kaunti lang naman daw ang CoE.. ayieeeeee makakasama mo si ETHAN sa PROM"
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?