27-SuperMan

58.2K 699 112
                                    

ETHAN'S POV: 

"ETHAN, bahala ka na kung aalis ka.. o kahit huwag ka lang umalis kasi wala na din naman akong balak ipagsiksikan pa ang sarili ko sayo.. minsan na akong nagpakatanga.. tama na yun.. Salamat sa patagong pagmamahal ETHAN JACOB VALERO" 

Nabigla ako sa sinabi nya. Pero mas nagulat ako sa pagsulpot ni KUYA JOROSS at nasuntok na ako. Sobrang lakas ng suntok na yun kaya natumba ako. Pero ok lang, kung mapapawi ng suntok ang sakit na nararamdaman ni Janine kahit magpabugbog ako sa kanya OK lang.

Alam ko nabanggit na din ni Joseph sa kuya nya yung nangyari kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganun ang reaction ni Kuya Joross. 

"ETHAN anak anong nangyari? ano ba talaga ang problema nyo ni Janine anak" 

"daddy.. hindi ko naman gusto na saktan sya.. pero para sa kanya din naman yung ginagawa ko." 

"hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin ang tunay mong dahilan? kasi anak.. kung MAHAL mo talaga sya hindi mo sya papakawalan pa. Huwag ka ng gumaya sa akin na limang taon pa bago ko nahanap ulit ang mommy mo" 

"pero daddy.. hindi ko kasi alam ang mga pwedeng mangyari.. paano kung makagulo lang ako sa pag aaral nya.. paano kung mabuntis ko sya? " 

"g*go.. eh ano kung mabuntis mo sya? eh di pakapanganak nya magpatuloy sya sa pag aaral. Andyan naman mommy mo para alagaan ang apo namin. yaan ba ang dahilan kung bakit mangingibang bansa ka?" 

"isa lang po sa dahilan, pero para naman lahat kay JANINE yun" 

"alam ba nya yung isa mo pang dahilan?" 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon