17 TAYA

72.2K 798 86
                                    

JANINE'S POV: 




Kinabukasan nadatnan ko si KUYA JOSEPH sa bahay, minsan lang kasi mangyari yun kasi busy sya sa thesis nya at kay ate Alice. Swerte nga nya kay Ate Alice kasi pinagtiyatiyagaan siya nito.hahaha 

"blooming ang prinsesa namin ahh.. May manliligaw na ata" 

Masyado bang halata?? Mahirap nga pala yung PATAGO na sinasabi ni ETHAN kung sa akin pa lang sablay na. Eh ang hirap kayang magpigil ng KILIG. 

"KUYA puyat ako tas sasabihin mo BLOOMING,, adik ka ba?" 

"yun nga puyat ka na nyan tapos ang ganda mo lalo.. May boyfriend ka na ano?" 

"adik.. Bakit pwede ba?" 

"HINDI!!" 

Ang bilis sumagot tas kung makapangantiyaw na BOYFRIEND na ako.. wagas. Adik lang din tong kuya ko. buti talaga nakakatagal si Ate Alice sa kanya. 

"bakit kasi BAWAL? 18 years old na ako..bawal pa din? bakit ikaw pwede?" 

"hoy JANINE RANCE.. lalaki ako.. walang mawawala sa akin.. saka PRINSESA ka namin.. ayaw ka lang namin na masaktan" 

"magboboyfriend lang may mawawala agad? ang bilis ng utak mo KUYA" 

"Basta hindi pwede. kahit gaano pa katino yung lalaki.. o kahit kilala ko pa yan.. basta hindi ka pwedeng mag boyfriend!!" 

Pumasok na sya sa kwarto nya. Hindi lang talaga yung reason ni ETHAN na magbestfriend sila ni KUYA kaya hindi KAMI pwedeng maging KAMI. Ayaw din talaga ni KUYA. Baka makaapekto daw sa pag aaral ko.

Nakakahiya daw na ako pa yung nag iisang babae tas hindi ak makakatapos. Ang bilis ng utak nya. Sina mama at papa naman OO lang ng OO kay KUYA JOSEPH.

Nakakainis. Kamusta naman yun, next SEM graduate na si ETHAN. Pag nagwork na sya baka may makita sya na iba. Ano namang panama ko sa mga yun eh AKO hamak na estudyante pa lang.

Alam nyo na kung saan ako nagman ng kabilisan ng UTAK..

hay BAKIT KASI ANG HIRAP MAGING KAMI? 

Kung pwede nga lang pumili ng kapatid. Pero kaya ko nga bang ipagpalit ang FAMILY ko para kay ETHAN?? Parang ang sama sama ko naman pag ganun. Wala naman silang hiniling kundi mapabuti ako tas ipagpapalit ko lang sila sa LALAKI? 

Pero si ETHAN yun eh. Ewan naiiyak na ako. KUMPLIKADO nga pala. Akala ko SIMPLENG PATAGO lang ang lahat . HINDI PALA. Parang iniisip ko pa lang na pipili ako nasasaktan na ako. O hayaan ko na nga lang lahat sa PATAGO. 

Hindi porket PATAGO hindi na kami magiging MASAYA. Basta kasama ko si ETHAN kahit saan pa yan alam ko na magiging masaya ako. 

Pero yung nga lang HANGGANG KAILAN? 

Kung sana SIMPLE lang ang lahat. Ang dali sanang palitan ang reationship status ko ng "in a relatioship with ETHAN JOSEPH VALERO" Pero hindi ganun.

Ni hindi ako pwedeng mag upload ng picture na kasama sya, hindi ko din sya pwedeng itag na kasama ko sya sa ganito ganyan.

Hindi ko sya pwedeng i wall to wall. Anong silbi ng facebook sa PATAGONG meron namin ni ETHAN? WALA!!!! 

Sa wattpad na lang kaya? 

location: pabalik balik sa puso at isip nya:) Ayieeeeee

Nababaliw ka na naman Janine. Kanina naiiyak ka tapos ngayon kung ano anong naiisip mo. Nakakabaliw naman kasi ang sitwasyon. Mabuti pa yung mga program na pinag aaralan ko, madaling paganahin.. madaling hanapan ng solusyon. 

Sana PROGRAM na lang kami ni ETHAN. KUMPLIKADO man may solusyon. Pero hindi eh ang alam ko lang naka PROGRAM ang puso ko na MAHALIN SYA. Yun lang ang pwede kong panghawakan ngayon. 

Ang tanging lalaki na tatangapin ng puso ko. ng sistema ko. Kaya sa PATAGONG meron KAMI. BAHALA NA SI KUYA JOSEPH kung gusto nyang MAGING TAYA. 

............................................................................ 

hindi ko po alam kung kailan ang update ulit, BUSY ako dis weekend. Mg iinum ako,hahaha 

_casper_

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon