Bakit ba kahit napakadalas mag maintenance ang watty hindi nila maalis alis ang mga readers na WAGAS kung makapanakit ng damdamin ng mga Manunulat. Inaamin ko na sa story na to ko naramdaman lahat, maging masaya o masaktan din ng sobra sobra, Hindi pala nakakatuwa na madaming nakakapansin ng gawa mo kung kapalit nun eh maprepressure ka para mag update, maprepressure ka na mag isip ng update, hindi nakakatuwa na aabot ng 144 comments ang isang chapter kung almost 60% nun eh "BITIN" at "UPDATE" ang nakalagay. Hindi din nakakatuwa yung comment na "uy ang tagal mag update ni author, kainis naman" . Nagtatrabaho na po ako at dati pinagkakasya ko ang isang araw na rest day para makapagupdate na hindi ko napapansin na nawawalan na din ako ng time sa family ko, pero kung ang isusukli lang sa akin eh ganung mga comment, sino ang sisipaging mag update? Kaya hindi nyo ako masisisi kung mas enjoy ako sa GREENLAND kasama ang mga SHREK kesa ang mag stay sa wattpad na konting oras na nga lang akong tumigil, masasaktan pa ako. Kung ibabalik ko ang panahon, ms gusto ko yung time na isinusulat ko ang BABY FACTORY,kasi may ngiti sa mga labi ko habang nagsusulat ako nun. Kahit wala pang pumapansin ok lang basta MASAYA ako. Matagal akong napatigil sa pagsusulat bago ko isinulat ang BABY FACTORY, siguro 7 years yun, kasi hindi naman pagsusulat ang buhay ko. Hobby ko lang to, hindi ako siniswelduhan para magsulat, masaya lang syang gawin, Kaya pag dumating sa puntong hindi ko naa maramdaman yung SAYA katulad ng SAYA na naramdaman ko habang sinusulat ko ang BF, hindi po mahirap para sa akin ang tumigil ulit. Dun na lang ako sa GREENLAND kasama ng mga SHREK. Kaya nakikiusap ako kung wala kayong maicomment na maganda, wag na lang. Alam ko na BITIN kasi on going to, at hindi nyo kailanganang utusan ako na mag UPDATE.
Ito na siguro ang pinakamahabang author's note na nagawa ko. Pero malamang 30-40% lang sa inyo ang magbabasa nito. Eh sino nga ba ako?
JANiNE'S POV:
Nung makatulog si ETHAN, at ng malinis ko yung mukha nya. Lumabas ako ng bahay namin. Tinawagan ko si Eric para makipagkita sa kanya sa park na malapit sa bahay namin, ayaw ko namang lumayo kasi baka magising si Ethan na wala ako dun sa bahay namin. Ako na talaga ang paulit ulit sa salitang bahay namin. Bakit ba? BAHAY NAMIN naman talaga yun.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romansabat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?