18- HANG OVER

68.7K 774 69
                                    

ETHAN'S POV: 

Andito ako ngayon sa bahay nina Janine. Makikigulo sa thesis nina Joseph. Wala na naman kasi akong problema sa thesis ko, di ba kahit wala akong kagroup OK lang. Si Missy lang talaga ang makulit gusto akong kagroup. 

Andito din ako para makita si Janine at makasama sya. One week na din simula nung mag kaayos kami. Hindi ko pa ulit sya nakakasama. Para mamaya pag tulog na si Joseph pwede na kaming mag usap. Ito lang kasi yung paraan na naiisip ko eh. 

"Tulungan na kita" 

Nagulat si Janine, muntik na nga nyang mabasag yung hawak nyang baso (casper: may nabasa akong comment na nakabasag pa daw ng baso habang nagbabasa ng TNL..seryoso?) Hindi naman kasi nya alam na dumating ako tas basta na lang magsasalita sa likod nya. Eh sino ba naman ang hindi magugulat don? 

"grabe papatayin mo ba ako sa gulat,,ethan" 

"HAHAHA bakit ka bumubulong?" 

"wala lang trip ko lang bumulong.. eh di sumigaw ka kung gusto mo" 

"itong girlfriend ko napakamatampuhin" 

"girlfriend ka dyan" 

"hindi pa ba? Nagkikiss at naghuhug tayo tas friends lang pala? saka alam na kaya ni joseph" 

"Talaga? alam na ni Kuya?" 

"hahaha joke lang" 

Kukurutin sana nya ako, nakita nya siguro si Joseph na palapit sa amin. 

"mukhang magkasundo na kayong dalawa ahhh" 

"matagal na namang magkasundo kuya,, di ba KUYA ETHAN" 

KUYA ETHAN?? KUYA ETHAN talaga? Hindi naman nya kailangang tawagin akong KUYA para lang makalusot kay Joseph. Bakit kailangang KUYA pa?Wala naman akong karapatang magreklamo kasi ako naman talaga ang may problema. 

"matagal na?? Ni hindi nga kayo nag uusap dati.. Pre, kaw na bahala sa Princess namin huh? Pag may lumapit sa kanya na lalaki sabihin mo sa akin. Pag may nanligaw din, papabugbog ko talaga yun sa mga brod ko" 

"sige pre, sabihan kita pag may nanligaw kay PRINCESS" 

Natigilan lang si Janine. Natakot ata sa sinabi ng kuya nya. pero seryoso si Joseph dun. Kaya lagot talaga ang lalapit kay Janine. Lagot pala ako. Umalis agad si Joseph kasi tinawag sya ni Alice. 

"ETHAN, itigil na lang kaya natin to. Ayaw kong mapahamak ka dahil lang sa akin.." 

"Kung kinakailangan kung mag ipon ng pang hospital o pang plastic surgery gagawin ko.. Kasi mas gugustuhin ko na MASIRA ang mukha ko kesa MASIRA ang buhay ko kasi hindi ako sumugal para lang makasama ka" 

"pero seryoso si KUYA.. ayaw kong masira buhay mo.." 

"hayaan mo sya.. basta hindi ako papayag na bumitaw ka. Hayaan mo lang ako. Kaya kung harapin yun kung dumating ma yung time na yun basta ang mahalaga sa akin alam ko kasama kita, OK lang ang lahat" 

"Ayoko ETHAN.." 

Pinipigilan lang nya sigurong umiyak. Ganun ba talaga kahirap na maging KAMI? 

"Janine.." 

"ayoko kong masira ang mukha mo.." 

"HAHAHA kung pwede lang yakapin kita ngayon.. ang cute mo alam mo ba?" 

"mamaya iiwan kung hindi nakalock ang kwarto ko, seryoso kailangan nating mag usap" 

Dinala na nya yung juice na tinimpla nya sa sala. Mag uusap daw kami mamaya? Hindi kaya lalo kaming mapahamak? Sa kwarto nya? Kaming dalawa? Magkano ba ang paplastic surgery? 

................................................................................... 

nakaabot bago magbreak time. cencia na sa update. 

_casper_

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon