dedicated po sa kanya. Natuwa lang ako sa comment nya kagabi.
ETHAN'S POV:
Lunes na. Pagpasok ko gustong gusto ko na agad makta si Janine. Kaso ang hirap ng sitwasyon. Pano ba ako makakalapit sa kanya na hindi masyadong halata? Miss na miss ko na talaga sya. Masaya ako sa nangyari nung overnight hanggang sa inihatid ko sya. Maaga akong dumating sa school para kahit papano makausap ko sya. Madami namang lugar sa school na pwede kaming mag usap. Nung makita ko sya na lumabas ng room nila sinundan ko sya, nung pumasok sya sa cr syempre hinintay ko sya sa hanggang sa lumabas sya. Alangan namang sumunod ako sa kanya sa loob??
Pero mukhang natagalan ata sya kasi mga almost 10 mins na akong naghihintay sa labas hindi pa din sya lumalabas ng CR.
"hi ethah"
Tinanguan ko lang yung bumati sa akin. Si Missy yun kagroup ko sa thesis. Pwede naman kasi na wala na akong kagroup kaso nagpumilit si maam na maging kagroup si MISSY kaya wala talaga akong choice. Bakit kaya ang tagal lumabas ni Janine> Naguumpisa na klase nila hindi pa din sya lumalabas? May nangyari ba?
"janine..."
Nagulat sya nung nakita nya ako pero mas nagulat ako kasi namumula ang mga mata nya at bakas yung galit at sakit sa mata nya nung tumingin sya sa akin. May nangyari ba?
Dumiretso lang sya ng pahlalakad at nilampasan lang ako. Galit ba sya? Wala naman akong ginawa ahh?
![](https://img.wattpad.com/cover/959755-288-k273154.jpg)
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?