18.5 LEGAL??

69.5K 800 91
                                    

continuation lang ng chapter 18. sobrang ikli pala nun..hahaha dedicated po kay tamtamelize.

JANINE'S POV:

Hindi pa din ako maka get over dun sa sinabi ni KUYA kanina. Ipapabugbog nya talaga? Hindi ko alam na may kapasidad pala sya na gumawa ng ganun. Paano na kami ni ETHAN? Tas parang balewala lang sa kanya, OK lang sa kanya basta makasama lang ako.

Pero kakayanin ko ba talaga na isugal ang kaligtasan nya para sa kaligayahan ko? o kaligayahan namin? Alas dose na ng hating gabi at hinihintay ko pa din sya dito sa kwarto ko. Alam ko naman na matatagalan sya bago makakuha ng tiyempo para makapasok sa kwarto ko.

"Princess..."

"princess ka dyan.."

Alam kasi nya na ayaw ko na tinatawag ako ng princess. Tas sa kanya pa galing. Mag isip sya ng itatawag sa akin basta hindi princess. Ang choosy ko lang.hahaha Teka ka lang makapag demand naman daw ako ng endearment.. wagas. Eh hindi naman kami.hahaha

"sorry natagalan.. napupuyat ka tuloy"

Humiga na sya sa kama ko. Feel at home ang lolo mo. Hindi ko alam kung tatabi ako sa kanya. Parang nakakailang lang. saka di ba mag uusap lang naman kami?

"OK lang.. sanay naman akong mapuyat"

Dun na lang ako umupo sa tapat ng study table ko. Eh ayaw ko talagang tumabi sa kanya. Konting distansya lang naman ang kailangan ko para kahit papaano mapigilan ko ang sitwasyon na pwedeng mangyari sa aming dalawa.Dito sa loob ng kwarto ko. Na kami lang dalawa. (casper: ang totoo parang ito yung pang non teen fiction kesa dun sa isa..hahaha)

" bakit kasi andyan ka?"

"Ok na ako dito"

"paano tayo makakapag usap kung ang layo layo mo.. dito ka sa tabi ko"

"dito na lang ako ETHAN."

"paano kita mayayakap kung andyan ka?"

"eh bakit may yakap? eh mag uusap lang naman tayo?"

Ayaw ko talagang tumabi sa kanya. Pero sa kakaisip ko na ayaw kong tumabi sa kanya nagulat na lang ako kasi binuhat nya ako papunta sa kama ko.

Dahil sa nagulat ako, napatili na lang ako.. bading na bading ang pag tili.. Pero naging maagap si Ethan, hinalikan nya ako habang buhat buhat pa din nya. Sabi na kasi na tumabi na lang eh.. gusto pa nahahalikan.

Ngayon nga naihiga na nya ako pero patuloy pa din sya sa paghalik. Kung ganito sya makipag usap parang gusto na magkwentuhan kami lagi lagi.

"MAHAL KITA JANINE. Sobrang MAHAL KITA na hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin"

Hindi ko alam pero naiiyak ako.

Ngayon lang kasi nya ako sinabihan ng word na yun. Laging puro banat lang na nakakapagpakilig ng bonggang bongga pero yung magic word.. wala. Ngayon lang talaga. Bakit sa ganitong sitwasyon pa? Na ang laki laki ng problema namin?

"ETHAN..."

"Janine.. Isa lang naman ang hiling ko sayo eh. Gawin mo lang na legal ang lahat ng ito. OK na ako. Kahit sino haharapin ko"

"legal?"

"Legal na halik. Legal na yakap. Legal na TAYO. Para legal akong ipaglaban ka"

"OK.. TAYO NA? parang ganun?"

"napipilitan ka lang ata.."

Nagulat na lang ako kasi tumayo na sya at lalabas na nga kwarto ko. Eh seryoso nagtampo na sya nun?

"baka nga hindi mo ako MAHAL. Na nadadala ka lang sa mga intimate moments natin. Baka nga napipilitan ka lang Janine. Kaya siguro ang bilis bilis mong sumuko kasi hindi mo ako MAHAL"

Dali dali din akong tumayo tas binatukan sya. Ang adik lang sabi nya manliligaw sya kahit patago, tapos ngayon dinadaan ako sa dadahasin ako ng PATAGO na maging legal kami?

"adik ka din ano? intimate moments ka dyan,.. uu nga at good kisser ka pero hindi yun yung dahilan. MAHAL KITA ETHAN JACOB VALERO kaya huwag na huwag mo akong dadramahan."

"HAHAHA effective pa lang yung ganun.. LEGAL na tayo?"

Babatukan ko sana ulit pero niyakap na nya ako. Mahigpit na yakap. LEGAL na yakap pala. So KAMI na TALAGA? LEGAL na? sa aming dalawa lang LEGAL. Kasi PATAGO pa din naman..LEGAL na ILLEGAL.





_casper_

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon