mobile upload. cencia na sa spacing.hay.. sana magawa ko ng maayos to.hehehe
JANiNE'S POV:
Araw ng Kasal namin ni Ethan. Hindi pa din ako makapaniwala na ngayong araw na ito na yun. Hindi naman kasi sya nagpropose talaga, pero parang OK na din kasi baka hindi ko kayanin ang kilig na mararamdaman ko kung ginawa nya yun. Nagulat na lang kami nina mama at papa at ng mga kuya ko ng dumating ang pamilya nila. Mamamanhikan daw sila. Wala man lang pasabi si Ethan. Kainis. Kainis na nakakakilig. Halos wala na akong naintindihan nun eh kasi naman wala na pala kaming aasikasuhim, OK na ang simbahan, reception samakatuwid ako na lang daw ang kulang. Ang adik lang. Kaya napipilitan lang talaga ako sa kasalan na ito.hahaha
Magkatabi kami ni Ethan nun tas hawak hawak nya ang kamay ko. Habang busy ang mga magulang namin nagawang nyang isuot ang singsing sa daliri ko. Tas mabilis nya akong hinalikan sa lips. Hindi na ako nakasagot sa kanya nun,, nakasagot sa ginawa nya at sa halik nya, Eh paano ba naman sa harap ng mga magulang namin?? Parang namimiss ko tuloy yung Ethan na mahilig sa patago.. hahaha
Kahapon pa kami hindi nagkikita ni Ethan. Kasi bawal daw magkita ang ikakasal bago sila ikasal.. kasi daw baka mauna ang honeymoon.hahaha Pero seryoso namimiss ko na sya. Ni hindi man lang sya tumawag sa akin.. hindi nya ako tinanong kung wala ba akong balak umatras? Parang siguradong sigurado talaga sya., buti alam nya.,hahaha
At ngayon nga na andito na ako sa loob ng bridal car at naghihintay ng hudyat para sa aking paglabas hindi ko alam kung ano ang nararamndaman ko. Eh kasi naman miss na miss ko na si Ethan, miss na miss ko sya sa mismong araw ng kasal namin.Ang adik lang talaga ng sobrang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?