JANiNE PPOV:
Andito ako ngayon sa Muntinlupa. Sa labas huh, hindi na kasi ako pwedeng makulong dun kasi nakakulong na ako sa puso ni ETHAN. Si ETHAN na naman.
Ano nga ulit yung salitang yun? MOVE ON? Magagawa ko ba yun kung puro SYA naman ang naiisip ko. Pinilit ko si KUYA Joross na isama na lang muna ako, para makalayo sa kanya.
Kasi kung kailangan kong pagbutihin ang pag aaral ko gusto ko sana kahit papano BUO na ko ulit. Tatlong araw na ako dito pero wala paa din namang pagbabago. Nagpakalayo layo ako pero yung puso at isip ko nasa BATANGAS pa din.
Na kay ETHAN pa din.
"Janine may dalaw ka"
Adik lang talaga tong si Kuya. Dalaw talaga? Bilanggong bilanggo ang drama.hahaha Sino na naman kaya yun, simula kasi nung dumating ako dito ang daming mga lalaki ang gabi gabi bumibisita. Ewan ko ba kay Kuya pinapayagan naman nya.
Magkaiba talaga si kuya Joross at kuya Joseph..kasi halos ibugaw ako ni kuya Joross sa mga lalaki dito. Buti na lang may mga itsura sila.
Pagpunta ko sa sala, andun yung isa sa masugid na manliligaw ko. Shocks!! ang haba lang talaga ng Hair mo Janine. Infairness ang gwapo ni kuya suitor HAHAHA
Kaso wala naman akong balak syang sagutin kasi ayaw ko ng long distance relationship. Saka ano yun REBOUND ko lang sya? UNFAIR sa kanya. Masaya lang ako na mag mga bago akong FRIENDS ngayon.
Busy kaming dalawa ni Dwayne sa paglalaro sa laptop ko. Yun lang naman ang magagawa dito ayaw ko naman na sumama sa kanya sa labas. Ayaw kong maexpose lalo ang beauty ko. Ang kagandahan lang pareho kami ng course ni Dwayne kaya magkasundong magkasundo talaga kami.
"nabasa mo na din yun?"
Nagulat lang ako kasi nagbabasa din sya sa wattpad. Bihira lang kasi yung kakilala ko na lalaki na nagbabasa dun. Kaya nga natutuwa ako kasi may kakwentuhan ako sa mga stories na nabasa ko sa wattpad.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction)
Romancebat ba ang simpleng IKAW at AKO.. nagiging kumplikado pag pinilit na maging TAYO?