43- wedding day

52.7K 666 76
                                    

ERIC'S POV:

Kasal ni Janine ngayong araw na to. Three weeks after na mabugbog ko si Ethan ikakasal na sila. Siguro nga nadelay lang ng konti kasi sobrang nabugbog ang mukha ni Ethan pero hindi pa din nagbago o hindi ko pa din napigilan ang katotohanan na magpapakasal sila. At si Janine tuluyan ng mawawala sa akin.

Pero ano nga bang laban ko? Hindi naman talaga sya naging akin?

 

Masakit. 

Masakit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pumunta sa simbahan kung saan sya ikakasal. Masakit na hindi ko magawang makihalubilo sa ibang taong andun na mukhang ang saya saya. Wala pa si Janine sa simbahan. Si Ethan kalmante lang na naghihintay.

Nakakainggit.

Parang hindi man lang kinakabahan. Parang siguradong sigurado sya na sisiputin sya ni Janine.  Sana ako na lang yun. Kahit ilang oras maghihintay ako sa harap ng simbahan basta si Janine ang bride ko. Pero eric..wala na.. yung babaeng pinakamamahal mo ikakasal na sa lalaking nakatayo sa may pinto ng simbahan.

Ilang minuto na lang pala. Ang pinakamahabang mga minuto ng buhay ko. Kung pwede ko lang itigil ang oras para hindi na dumating yung oras ng kasal nila..gagawin ko. Pero mapapagod lang din ako..kasi katulad ng mga pasa ni Ethan sa mukha.. madedelay lang ng konti ang kasal. Sa huli magpapakasal pa din sila. 

Kaya kahit anong gawin ko, Sila pa din sa huli. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang papalapit ang bridal car ni Janine. Gusto ko syang makita kung gaano sya kaganda pero alam ko na sa sa sandaling lumabas sya sa sasakyan, wala ng makakapigil. Lalakad na syang palayo sa akin.. palapit sa taong bubuo ng pangarap nya. 

Hindi ko namalayan nung nagsimula ng lumakad sina Ethan papasok ng simbahan. Hindi ko nga narinig na mag uumpisa na pala. Alam ko na walang makakita sa akin kung saan man ako nakapwesto. Kaya malaya akong tingnan o titigan si Janine kahit pa nasa loob sya ng sasakyan. Nung buksan na yung bridal car nya. Hindi ko napigilan na pumatak ang luha ko.

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon