CHAPTER 1 💕 Seventh Year
"Abbielyn! Ang tagal-tagal mo malelate na tayo!",sigaw ni kuya sa ibaba.
Humarap pa ulit ako sa salamin at mabilis na hinaplos-haplos yung buhok ko, tapos tsaka ako lumabas ng kwarto. Yes! Start na ng school year today! Makikita ko na si Bryan. Makikita ko na si Bryan. Makikita ko. Makikita ko.
"Nandyan na Seamus! Ang ingay mo!",pabiro kong sigaw habang bumababa sa hagdan.
"Mommy ang bastos ni Abby!",sumbong na naman nya. Tumawa lang naman si mommy.
"Sorry KUYA! Sorry PO talaga."
Inirapan nya ako tapos naglakad na sya palabas. Nagtatakbo ako papunta kay Mommy at nagkiss.
"Babye Mommy! I love you!",sabi ko.
"Bye baby ko. Ingat kayo.",sabi nya.
Nagtatakbo na ako palabas ng bahay, papunta kay kuya. Baka iwan pa ako nito eh. Binuksan ko yung front seat at uupo na sana nang magsalita sya.
"Abby, uupo dyan si Gina.",sabi nya.
Hindi na ako nagtanong kung sino si Gina dahil malamang isa na naman sa mga babae nya. Kaya doon nalang ako naupo sa backseat.
"Kuya, 'san lakad nyo ng tropa mo mamaya?",tanong ko.
"Why?"
"Wala lang. Masama na bang alamin kung saan pupunta ang kuya ko?"
"Hindi ko pa alam. Baka magbabasketball.",sabi nya.
Tumango-tango ako.
"Saan?"
"Kayna Chanz.",sabi nya.
Wala daw plano pero alam na kung saan. Pero tamang-tama! Kayna Chanz sila. Sasabihin ko kay Chloe doon kami gumawa ng assignment. Pinsan nya kasi si Chanz at doon sya nakatira sa bahay nila. Dapat nasa States sya kaso pinadala sya dito para patinuin. Bad girl kasi masyado. Pero nakasundo ko sya kasi mabait naman sya kahit papano eh.
Tumango-tango ulit ako. After ilang minutes, nasundo na namin si Gina.
"Hi babe!",bati nya kay kuya. Tapos nagkiss sila sa lips. Ew! "Hi lil' sis.",bati nya sakin.
"H-Hi.",bati ko lang din.
Nakakadiri naman sya. Akala ba nya type talaga sya ni kuya? Trip lang sya ui. Nakakainis ang kalandian ni Gina kaya isinuot ko nalang ang earphones ko at pumikit.
Okay. Bago pa kayo maguluhan ipapakilala ko na sa inyo ang barkada nina Bryan, kung saan kasama ang kuya ko.
Okay. First personality, Chanz Agron. The artistic one. Maputi sya na malapit na sa maputla, pero over sa gwapo din. Kinakikiligan sya dahil sa mapungay nyang mga mata. Tahimik lang sya, dahil madalas syang tulog.
Si Koden Lucas. Ang pinakamaingay sa kanila. Pero kinikilig sa kanya yung mga girls sa school dahil mahilig syang bumanat. Gwapo din sya at palagi nang pakindat-kindat. GGSS kaya kaasar din minsan.
Next naman, si Dean Weisz. Half-British sya. Magaling sya sumayaw kaya ang daming nabinighani. May killer smile din sya kaya lakas sa chiks. Gwapo din eh. Kaso nga lang basagulero.
Sunod, si Seamus Conell. Pinakapangit sya. Pinakaengot din. Unfortunately, kuya ko sya. Hahaha. Joke! Naiinis kasi ako kay kuya ngayon eh. Pinasabay pa si Gina. Pero eto seryoso na.
Si Seamus Conell. Sabi nila, si kuya daw ang pinakamagaling kumanta sa lima. Kahit sa amin namang dalawa eh. At matagal ko na rin yung tinanggap. Sya din ang pinaka-chickboy. Pinakababaero!
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...