Prologue

290 6 1
                                    

Brylen's POV

For heaven's sake! Sana madagdagan pa ang araw ng bakasyon. What's with just one week addition to semestral break, right? Malaking kabawasan ba yun? Papasok na naman bukas. Ang dami-dami na namang katangahan ang ipapagawa ng mga teachers. They suck!

Nga pala. This coming school year, I am enrolling as Grade 12 student. I'm in Science, Technology, Engineering, and Mathematics class. Yeah, STEM. I go in Patterson University. And yes! After this year, I'm going to college. Kaya mahigpit na bilin sakin ni daddy at ni kuya Bry, mag-ayos daw ako. Tss.

Tutal last day na naman ng langit, naglakwatsa na ako ng todo. Kagagaling ko lang kayna Chanz, naglaro ng video games kasama ang tropa. Ngayon, papunta naman ako kayna kuya. Namimiss ko na yung dalawa kong makulit na pamangkin. Si Bella at si Brix. Yung mga kayamanan ni kuya. Syempre kasama na dun yung maganda nyang asawa, si ate Lena. Kelan kaya ako makakahanap ng katulad ni ate Lena?

Walang yaya sina kuya. Gusto daw kasi ni ate Lena sya mag-aalaga sa pamilya. Eh muka namang kayang-kaya ni ate Lena kaya walang problema. Eh tutal nga wala silang yaya o guard manlang, ako na ang nagkusa na bumaba ng kotse para pindutin yung passcode ng gate nila. Nang mabuksan na yun, bumalik ako sa sasakyan ko at ipinasok yun. Nang maipasok ko na, bumaba ulit ako para naman isara yun. Tapos nang masara yun, bumalik na ako sa kotse para ipark na yun. Hanep diba? Sa susunod nga magrerequest na talaga ako ng guwardya kayna kuya.

Nang makababa ako ng kotse, kinuha ko yung binili kong pasalubong sa kanila na garlic bread at naglakad na papasok sa loob. Naabutan ko yung kambal na nakalupagi sa sahig at nagkukulay sa center table ng sala nila.

"Uncle Brylen!",Bella shouted when she saw me. Sanay na ako. Palagi namang sya ang maingay sa kanila ni Brix eh. Pero pakiramdam ko mabibingi ako ng maaga dito sa bata na 'to.

"Hey Uncle!",bati ni Brix. Lumapit din sya sakin. Mabuti pa 'to si Brix chill-chill lang. Cool na cool.

"Hello kids. Kamusta?"

"We're fine.",sabay nilang sagot. Uso talaga sa dalawa na 'to ang sabayang-bigkas. Palibhasa kambal.

Three years old palang sila. Pero advance ang dalawang 'to. Tuwid na sila magsalita tsaka madami nang alam. What'll you expect nga naman? Esguerra sila. Tapos ang ganda at ang gwapo pa. Well seriously speaking oo. Maganda at gwapo ang kambal ni kuya. Kamuka nya parehas. Eh sa iisa naman ang muka eh. Pero yung mata nila, kay ate Lena. Yung magandang mata ni ate Lena na sobrang nakakabighani. Pero ang nakakamangha talaga ay yung kulay ng mga mata nila. Yung kay Brix kasi, light brown katulad ng kay kuya. Maputlang brown sya kaya kakaiba talaga. Hazel brown as they call. Yung kay Bella naman, color blue. Yes. As in deep blue. Muka nga syang barbie doll eh. Namana daw yun ni Bella sa side namin, kay Daddy. Asul daw kasi ang color ng mata ng Lolo namin.

"What's your pasalubong today uncle?",Bella said while she's staring at the box I'm holding.

"It's garlic bread Lala. Look at the label.",sabi ni Brix habang turo-turo yung dahon na design nung box. Napangiti si Bella nang malawak ang tumango.

"Nasa kitchen si Mommy uncle. Tara dalhin natin 'yan sa kanya.",Bella said.

We went to the kitchen. Andoon nga si ate Lena. Mukang nagluluto sya. Ang bango ng kusina eh.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon