Chapter 62 Last Day of Recollection

95 3 0
                                    

CHAPTER 62 💕 Last Day of Recollection

"Hoy. Hoy."

Napaungot ako at napailing. Nagmulat ako ng mata at natagpuan si kuya na nakataas ang kilay na nakatingin sakin. Sya malamang yung kanina pang tumatapik sa pisngi ko.

"Ano? Bakit?",antok ko pang tanong. Naramdaman ko ang paggalaw sa may tuktok ng ulo ko. Nag-angat ng ulo mula doon si Bryan na kakamulat palang din ng mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nakasandal pala ako sa dibdib nya. Nakabalot ang buong katawan ko sa mga braso nya na abat nasa pagitan pala ng mga hita nya.

Eto yung pwesto namin kagabi habang nakatunganga sa ilog ah. Nakatulugan pala namin.

"Kuya!",gising na gising at gulat kong sabi na agad napatayo. Agad namang nangunot ang noo ni Bryan dahil sa bigla kong pagkalas sa yakap nya.

At lalo pa akong tinamaan ng hiya nang mapagtanto na hindi lang si kuya ang tao sa paligid. May mga naliligo na sa ilog pero panay mga tahimik sila ngayon. Dahil ba samin?

"Naku buti walang faculty na nakahuli sa inyo. Kundi yari kayong dalawa.",sabi ng nananakot pang si Ingrid.

"Anong meron?",sabi ni kuya.

Tumayo si Bryan at nagpasada ng kamay sa buhok. Tinignan lang nya si kuya.

"Manliligaw na nya 'ko.",walang ekspresyon nyang sabi bago sya maglakad palapit sakin.

At pakiramdam ko ay sobra akong pinamulahan ng muka nang balutin na naman nya ng mga braso ang buong katawan ko. Hinanday nya pa yung baba nya sa balikat ko.

"I love you.",bulong nya sa sa tenga ko.

Bahagya akong napalayo dahil sa kiliti.

"Anong klase kang manliligaw? Para kang sawa kung makalingkis ah.",sabi ni kuya na nakakunot na naman ang noo.

"Okay lang naman na ligawan ko sya diba?",sabi ni Bryan na hindi pa din kumakalas.

Napakunok ako.

Tumaas ang kilay ni kuya.

"Mahal mo talaga ah?",sabi ni kuya.

Ngumisi si Bryan.

"Oo. Walang charot-charot.",sagot nya.

Hindi ko napigilang mapatawa. Pinitik ko sya sa ilong bago ako kumalas.

"Wag kang chansing. Unang araw mo palang.",sabi ko at lumapit na kela Chloe.

"Ligo na tayo. Amoy Bryan ka na eh.",sabi ni Ingrid.

"Edi ang bango.",sabi ni Bryan.

Napairap lang ako at nailing-iling bago sumunod kela Ingrid.

"Taray girl. Hindi pa din ako makapaniwala? Bwisit na yun. Isa rin palang torpe.",sabi ni Ingrid.

"Isa rin?",tanong ko. "Sino pa bang torpe bukod kay Bryan?"

Napakagat sa labi si Ingrid at napatungo. Namumula pa. Nagkatinginan kami ni Chloe.

"Umamin na si Chanz noh!",sabay naming sabi.

"Enebe. Kanina nga lang eh.",sabi nya sabay irap.

Napahalakhak kami at pinagsusundot sya sa tagiliran habang tinutukso.

Nang matapos kaming maligo ay nagpunta na kami sa tent.

"Bakit manliligaw pa si Bryan? Ano ba yun?",parang naasiwang tanong ni Ingrid habang nagsusuot ng bra.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon