Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe

69 1 0
                                    

CHAPTER 47 💕 Caretaker for Drunken Babe

Brylen's POV

I felt really dizzy when I woke up. Shit. Ang sakit ng ulo ko.

Hindi ko na kailangan tanungin ang sarili ko kung anong nangyari. Malamang nalasing na naman ako. Nilasing ako nung mga assholes. Naisahan na naman ako.

But wait!

Agad akong napamulat ng mata sa naalala ko.

Shit. My girlfriend.

Anong nangyari kay Abby?

Kinuha ko yung phone ko na alam ko na nasa bulsa ko pa din hanggang ngayon. Fuck! Nasaan na?

Napatingin ako sa bedside table. And I found it there. Kinuha ko yun at agad na kinontact yung number nya.

Kaso, nagulat ako nang bigla nalang makarinig ng ringtone sa katabi ko lang.

Nilipat ko ang tingin ko dun. And I was shocked to see her...yeah. Abbielyn, herself, sleeping soundly beside me. Medyo malayo sya kaya hindi ko naramdaman. And she is also quiet. Hindi sya humaharok ngayon.

But...what the effin' damn has happened?

Tumingin ako sa suot ko. Iba na. Napatingin din ako sa sahig, sa may gilid. And I found my previous shirt, my shoes, a basin of water and towel there.

Looks like babe took care of me last night.

Nakadamit pa din sya nung suot nya kagabi. Nakatali yung buhok nya, pero messy na talaga.

Nah. I guess nothing happened. Mabuti naman.

She shifted on the bed and pulled the comforter on her shoulder. And I can't help but smile with her cuteness.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos yung pisngi nya. Mukang napuyat sya sa pag-asikaso sakin.

Pero, ano kayang nangyari kagabi? Wala akong maalala.

Napabuntong-hininga nalang ako at hinalikan sya sa noo. Then I stood up from the bed.

Alam kaya ni Seamus na dito natulog si Abby. Well, guess not. Dahil kung oo, hindi naman sya papayag.

Nagpunta ako sa c.r. at nagshower na muna. Gusto ko malamigan. May hangiver pa ako.

Pagkatapos kong magshower, lumabas na ako nang nakatowel at kumuha ng damit sa closet ko. Then I went back at the bathroom para magbihis. I can't dress up with Abby on my bed. What the hell.

Nang makabihis, lumabas na ako ng banyo, at palabas na din ng kwarto ko. Wala pa din sina Mommy at Daddy. Kasama ko sila kahapon lang. Kaso, hindi na sila nakarating sa game ko dahil may kailangan pa silang asukasuhin.

Kahit hindi na nila sabihin, alam ko kung ano yung inaasikaso nila. What else? My engagement.

Napabuntong-hininga ako at bumaba na. Nagpahain na din ako ng pagkain dahil maya-maya lang, magigising na si Abby. Napakatakaw pa naman nun.

Baka bugbugin pa ako nun kapag wala akong naipakain sa kanya eh.

Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay na matapos maghanda ng pagkain sina yaya.

Kaso nagulat naman ako nang bigla nalang may sigawang nagaganap sa labas.

At hayun si Seamus, kasunod nung tatlo, tsaka nung guard. Pasugod dito.

"Good morning.",I said nang magkita kami.

"Muka mo! Nasan si Abby? Ilabas mo si Abby!",sabi nya.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon