CHAPTER 56 💔 Back to School
Mga patanghali na nang magising ako kinabukasan, dahilan para hindi ako makapasok sa school.
Pero sa totoo lang, wala pa rin naman akong gana na pumasok. Hindi ko alam kung may muka pa ba akong ihaharap sa Patterson University pagkatapos ng nangyari kahapon.
Alam ng halos lahat ng estudyante ng P.U ang katangahan ko kay Bryan.
Napabuntong-hininga ako at napahiga sa sofang inuupuan sa panonood ng t.v.
Wala akong maisip na matinong gagawin ngayon. Wala akong maisip na matinong gawain para hindi na maisip si Bryan at Chloe. Pati si Dean na itinuring ko na ding kaibigan.
Kaso sa bawat galaw ko sila ang naiisip ko. Sila yung naalala ko. Lalo na si babe.
Napaiyak ako nang madiin at napaiyak na naman nang maalala yun. Tagos yung sakit eh.
Biruin nyo yung lalaki na pinangarap ko nang halos anim na taon, na akala ko nainlove na rin sa akin sa wakas, sa huli malalaman ko na ginagago lang pala ako. At ano pa yung pasabog? Isinama nya sa nakirevelation ang sambayanang-Patterson.
Ang bobo mo Abby! Engot ka! Desperadang uto-uto. Yan malamang ang tingin sakin ng mga tao ngayon.
Kanina, tumawag si Ingrid sa landline sabi ni Mommy. Sinabi nyang tulog pa ako. Ngunit sa ikalawang tawag nang magising ako ay narinig ko ang umiiyak nyang boses sa kabilang linya.
"Abby...Abby si Ingrid 'to. Sorry sa nangyari sa inyo ni Bryan ah. Lalo na kay Chloe. Hindi ko man maintindihan ang mga nangyayari, umaasa ako na magkakaayos pa kayo ng bes natin. Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon pero sana, wag mo pa ring kalimutan yung mga pinagsamahan natin ah. Mahal ko kayo pareho girl...Maiintindihan ko bes kung hindi ka pa muna papasok ngayon. Pero ipagdadasal ko na sana maging okay na ang lahat. Bye Abby. See you very soon. Muah!"
Naiyak nalang ako sa message na yun ni Ingrid. Bigla ko nalang tuloy sya namiss. Sila. Sila ni Chloe.
Kaya agad akong umakyat sa taas at kinuha yung phone ko sa drawer. Inopen ko yun at nagreply sa kanya.
Abbielyn Conell:
Salamat bes. Salamat kasi kahit kumpikado pilit mo pa din iniintondi yung sitwasyon ko. Sorry kung pati ikaw naapektuha ah. Pero gusto ko muna sanang mag-isip pa. Mahal din kita bruha. Ingat ka palage.
Napatingin ako sa profile ni Bryan. At parang kinurot ang puso ko nang makita na yung kaming dalawa pa din ang profile picture nya. Ginawa nya kasing profile picture yung picture namin nun na suot ko yung dress ni ate Lena. Doon yun sa bahay nila.
Nakita ko yung latest message nya.
Bryan Esguerra:
I'm sorry babe. I love you.
Napakagat ako sa labi at nilagpasan yung profile nya. Nakita ko na meron ding chat si Chloe, si Dean, maging si Koden at Chanz.
Yung kay Chloe at Dean nilagpasan ko nalang rin. Alam ko naman na katulad lang yun kay Bryan na puro hugas-kamay at mga dahilan ang laman.
Hindi pa ba kasi sapat na dahilan yung mga narinig ko? Yung mga sinabi nila? Ano pang kailangan kong malaman para isipin na wala silang kasalanan? Na hindi nila sinadya ang mga nangyari?
Chanz Agron:
I'm sorry for what happened Abby. Wala akong alam dun. Nagulat nalang rin ako. But I hope you'll get better soon. Lalo na kayo ni Chloe. She's dying with guilt.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...